Kabanata 35: Pagliligtas "Ano na?" Tanong ko kay Brix sa kabilang linya. "Hindi ako makapasok, ang daming bantay." Ani nito. Paano ngayon to? Kailangang mailabas namin si Santino sa loob bago pa kami mahuli ng mga sindikato. "May naisip ako." Si Elthon. "Ano iyon?" Tanong ko, kailangang may magawa kami. Hindi namin pwedeng patagalin ang misyong ito. Mas lalong nanganganib si Santino. At higit sa lahat, gusto ko siyang mayakap at mahagkan. Labis akong nangungulila sa kanya kaya gagawin ko ang lahat upang mailigtas siya. "Magpanggap ka nalang na nawawala ka." Ani ni Elthon sa akin. "Hindi pwede, baka alam nila ang tungkol sa akin." Possible iyon dahil nakasalamuha ko na si Mr. Swan at may ideya na yon na ako ang kumuha sa kanyang cellphone, "Sabagay, paano to?" "Wala tayong ma

