Kabanata 23: Pangungulila sa Ina "Ayos ka lang?" Tanong sa akin ng aking ama habang nakatingin ako sa kalangitan. Nakakatuwa rin pala pagmasdan ang mga ulap na nadadala ng hangin. Tila ba'y wala silang mga problema at kay sarap tingnan. Kaya pala ang mga taong may problema ay sa kalangitan dumudungaw dahil may nakikitang pag-asa roon. "Ayos lang naman po ako." Walang gana kong sagot kahit obvious naman talaga na hindi ako okey. Sa dami ba namang isipin ngayon ay tila nai-stress ang mga brain cells ng aking utak. Isali na ang mga neurons. Ano na kaya ang balita kina Maharta at kay Santino? Malas lang dahil biglang naputol ang tawag noon isang araw. Sigurado akong masaya na sila ngayon. "Manang-mana ka talaga sa Mommy mo. Ganyan din siya kapag nalulungkot. Halos lahat ng katangian niya a

