Napatingin ako sa paruparong dumapo sa palad ko. Kulay dilaw ang mga pakpak nito at may batik-batik na kulay itim. Nakatungo ako at nakasilip lamang sa paruparong iyon na animo'y hinahalikan ang palad ko. Umayos ako nang upo dahilan upang lumipad ito palayo. Dumapo iyon sa gladiolus flower na nakatanim sa garden ng school. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng bigat sa dibdib nang makita ko si Sean at si Ishiah na magkasama. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila sweet sa isa't isa. Kitang-kita ng aking mata kung paano sila magyakapan. Ano ang relasyon nina Sean at Ishiah? Ano ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang tagpong nakita ko kanina ngunit patuloy pa rin iyong nagpapabigat sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwana

