Pumasok ako sa library. Vacant time kasi namin at wala naman akong gagawin kaya mas maganda na rin na narito ako para ma-review ko ang naging mga lessons namin sa iba't ibang subjects. Ilang weeks na ang lumipas matapos ang Aquiantance Party. Tulad ng inaasahan ay nasama ako sa laman ng usap-usapan. Ang dami kong narinig na mga negatibong komento tungkol sa akin, may nainggit at mayroon ding mga nagsabing sana nasayaw rin sila ni Ken. Malapit na ang Preliminary Exam kaya dapat ituon ko ang sarili sa pag-aaral. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang napag-usapan namin ni Ken. Kahit na sinabi kong gusto ko nang umalis noong time na umiyak ako, hindi ko naman talaga gusto iyon. Nadala lang ako ng emosyon kaya nasabi ko ang salitang hindi ko dapat sinabi. Sobra lang akong nasaktan ng gabing

