Donna "YES tay, malapit na po akong umuwi dyan. Pinayagan na po akong magleave ng isang buwan ng boss ko." "Talaga anak? Aba'y mabuti naman kung ganun. Miss na miss na kita. Namiss ka na ring kabonding ng Tita Loisa mo." Napangiti ako habang namimili ng mga damit na ipapasalubong ko kay Tatay. "Miss ko na rin po kayo ni Tita Loisa tay. Pag uwi ko dyan magbabonding tayong tatlo." Mahigit isang taon na akong hindi nakakauwi sa amin. Ang huling uwi ko ay noong pasko pa. Hindi nga ako nakauwi nitong huling pasko. Kaya naman talagang nangulit ako sa boss ko ngayong summer na payagan ako at hindi naman ako nabigo. Miss na miss ko na rin si tatay at syempre si Tita Loisa. "Eh kelan ka naman uuwi?" "Basta tay malapit na. Sasabihan ko na lang po kayo." "O sige anak, sabihan mo lang a

