Chapter 2

2064 Words
Donna "HAPPY Birthday tatay!" Bati ko kay tatay na busy sa paghihiwa ng inihaw nyang maskara ng baboy. Gagawin nya itong dinakdakan, pulutan nila mamaya ng mga bisita nya. Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Salamat anak. O ano yan? Bakit may pa regalo pa?" Lalong lumawak ang ngiti nya ng iabot ko ang dala kong paper bag sa kanya. "Syempre tay, espesyal kayo sa akin eh." Binitawan nya ang kutsilyo at nagpunas ng kamay. Kinuha nya ang paper bag at binuksan. Kinuha nya ang laman niyon na dalawang t-shirt. "Wow! May bago na akong damit." Bulalas nya at sinipat sipat ang damit. Nilapat pa nya ito sa katawan nya. Nakaguhit sa kanyang mukha ang tuwa. "Nagustuhan nyo ba tay?" "Oo naman anak! Aba, matagal tagal ng walang nagreregalo sa akin. Salamat anak." Maayos ng binalik ni tatay ang dalawang t-shirt sa paper bag. "You're welcome tay." Masaya ako na nagustuhan nya ang regalo ko. "Teka, saan ka pala kumuha ng pambili?" "Sa wallet nyo po tay." "Sa wallet ko?" Natawa ako sa reaksyon ni tatay. "Joke lang tay. Syempre po sa ipon ko." "May ipon ka?" Natatawa na ring tanong nya. "Oo naman tay, yung binibigay na allowance ni Tita Rodora ay tinitipid ko po at iniipon." "Aba, marunong na palang mag ipon ang anak ko. Samantalang noong maliit ka pa ang isang daan isang bilihan mo lang sa tindahan." Natatawang sabi ni tatay at pinatong sa ibabaw ng ref ang paper bag. Pinagpatuloy na rin nya ang paghihiwa ng maskarara ng baboy. "Syempre bata pa ako noon tay." Nakangusong sabi ko. "O bakit ngayon di ka na ba bata?" "Hindi na po. Dalaga na ako tay no." "Dalaga ka dyan. Bata ka pa. Wala ka pang desi otso. At kahit desi otso ka na bata ka pa rin." Lalong nanghaba ang nguso ko. "Tatay talaga. Dalaga na po ako no." "Bata ka pa, huwag kang magmadali. I-enjoy mo muna ang pagiging bata mo. Akala mo ba di ko nalalaman na dumidiskarte sayo ang anak ni Pareng Aldo. Bata ka pa Donna, pag aaral muna ang atupagin mo. Ayokong mapahiya sa Tita Rodora mo. Nangako ako sa kanya na pagtatapusin kita ng pag aaral." Paalala nya sa akin. "Opo tay, alam ko po yun. Saka di naman po dumidiskarte sa akin si Axel. Nakikipag kaibigan lang po sya." Si Axel ay anak ng kapitbahay namin at kumpare ni tatay. Mabait naman sya at mukhang sincere naman sa pakikipag kaibigan. "Nakikipag kaibigan lang.. Alam ko na yang mga ganyang galawan. Humanda talaga sa akin ang batang yun kapag nanligaw sya sayo." Ngumuso ako. "Tatay talaga.." Natigilan kami ng may kumatok sa pinto. "Pareng Ipe, nandito na ang mga beer." Pumasok sa kusina si Mang Jun at bumati pa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Ilang case yang beer pare?" Tanong ni tatay. "Sampung case pare, yung lechon na inorder mo kay Takse kukunin na ni Betong. Yung dalawang tolda na hiniram ko kay konsi nandyan na pati mga upuan. Parating na rin yung videoke na inarkila natin. Yung mga kasamahan natin sa site parating na rin." "Ganun ba, o sige pare ikaw na ang bahala sa labas. Tatapusin ko lang to." "O sige pare, sa labas na ako." Paalam ni Mang Jun at lumabas na. "Tay, tutulungan ko po si Mang Jun sa labas." Presinta ko. Mukhang marami syang bisita ngayon. "Huwag na anak, mabigat ang tolda baka madaganan ka doon at maipit. Hayaan mo na sya may iba namang tutulong sa kanya dyan sa labas." Ani tatay. Umupo na lang ako sa lamesa at ngumuso. "Mukhang magpapakalasing kayo ng mga bisita mo tay ah. Sampung case ng beer at may pa lechon pa." Ngumisi si tatay. "Ngayon lang yan anak, kasi darating ang big boss ko. Sya ang special guest ko. Kailangan magpa good shot." "You mean tay, sumipsip." Biro ko. Tumawa si tatay. "Parang ganun na nga anak." Natawa na lang din ako sa sinabi ni tatay. Pagkatapos ni tatay gumawa ng dinakdakan ay niluto na nya ang pansit at syempre ang request kong carbonara. Kagabi ay gumawa na kami ni Sally ng mango graham at kaninang umaga ay bumili din kami ng cake. Maya maya pa ay naging maingay na sa labas ng bahay namin dahim nagsisidatingan na ang mga bisita ni tatay. "Tay kami na po ni Sally dyan, puntahan nyo na po ang mga bisita nyo sa labas." Sabi ko at kinuha na kay tatay ang hawak nyang plato at panandok ng pansit. "Sigurado ka anak?" "Oo naman tay, kaya na namin ni Sally yan. Birthday nyo po ngayon kaya dapat magrelax lang kayo at magpakasaya sa labas kasama ang mga bisita nyo. Basta tay drink moderately huwag masyadong magpapakalasing." Paalala ko kay tatay. "Oo anak, kaunti lang iinumin ni tatay. O sige kayo na ang bahala dito ni Sally." Hinubad na ni tatay ang apron at tumungo sa kwarto nya para magpalit ng damit. Kami naman ni Sally ay nagsandok na ng pansit sa mga plato na ipapamigay namin sa mga kapitbahay namin. Marami ng bisita si tatay na halos mga kasamahan nya sa trabaho. Ang ilan ay mga kapitbahay namin na mga kumpare nya gaya ni Mang Aldo na tatay ni Axel at ni Mang Papot na tatay naman ni Sally. Maingay na maingay na sa labas ng bahay namin dahil sa kwentuhan at kantahan ng mga bisita ni tatay. "Ipe, ito na ba ang anak mo?" Tanong ng isang may edad na lalaki na kasamahan ni tatay. Ngumiti ako at nilapag ang isang bandehadong dinakdakan sa mahabang mesa. "Oo, sya ang nagiisa kong anak. Donna ang pangalan nya." Pagpapakilala sa akin ni tatay sa mga bisita nya. Kimi naman akong ngumiti sa kanila. "Dalaga na pala ang anak mo. Akala ko bata pa." Nakangising sabat ng isang mama na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang kinikilabutan ako sa mga tingin nya. "Mukha lang dalaga yan pero bata pa yan. Hoy, yang mga mata nyo ha. Huwag nyong pag iisipin ng di maganda ang prinsesa ko kundi isasama ko kayo sa buhos ng semento sa Lunes." Banta ni tatay sa mga bisita nya. Nagsiungulan naman ang mga bisita nya. "Humahanga lang kami sa anak mo Ipe. Di lang kami makapaniwala na may anak ka pa lang ganyan kaganda at mukhang artista." Saad ng isang may kalusugang may edad na lalaki. Sumeryoso ang mukha ni tatay. "Siguraduhin nyo lang, kilala nyo ko. Masama akong kaaway." Biglang dumaan ang katahimikan at nakatingin lang ang lahat ng bisita kay tatay. Pero saglit lang yun at naging maingay ulit ng magsalita si Mang Jun at kumanta ng lumang kanta. "Sige na anak, pumasok ka na sa loob. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan." Untag sa akin ni tatay. "Opo tay." Nag excuse na ako at pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko si Sally na kumakain na ng carbonara. "Hmm ang sarap palang magluto ni Mang Ipe ng carbonara." Sambit ni Sally na punong puno ang bibig. Natawa na lang ako sa hitsura nya. Kaya sya lumulusog eh walang hinihindiang pagkain. "Masarap talaga magluto si tatay. Mas masarap pa sya magluto kesa kay nanay." Natigilan sya sa pagnguya at bumuntong hininga. "Hay, bigla ka tuloy naalala si Aling Estelita. Nakakamiss din ang nanay mo kahit medyo masungit." Napangiti ako sa sinabi nya. "Oo nga eh. Kung buhay sya I'm sure palagi na naman silang nag aaway ni tatay." "Malamang yun. Namiss ko ang palipad plato at sandok ni Aling Estelita tuwing inuuumaga ng uwi noon si Mang Ipe." Natatawang sabi ni Sally. Pati ako ay natawa rin ng maalala iyon. Kahit laging inaaway ni nanay noon si tatay ay never syang pinatulan ni tatay. Sobrang mahal sya ni tatay kaya nakakalungkot lang.. Hay, ayoko na ngang isipin yun. Malulungkot lang ako. Birthday ngayon ni tatay kaya dapat masaya lang. Wala kaming ibang ginawa ni Sally sa bahay kundi magkwentuhan lang at mag cellophone habang nanonood ng movie kahit hindi namin naiintindihan dahil sa mga kumakanta sa videoke sa labas. Minsan ay sisilip si tatay sa pinto at magpapakuha ng baso o kaya plato, minsan ay pagkain para sa bagong bisitang dumating. Natigilan ako sa pagnguya ng mango graham ng lalong naging maingay sa labas. Nilapag ko ang platito sa mesita at tumayo. "O saan ka pupunta Donna?" Tanong ni Sally. "Sisilip lang ako sa labas." Sabi ko at tinungo na ang pintuan. Tila huminto sa pag inog ang mundo ko ng makita ang bagong dating na matangkad na lalaki na akbay si tatay. May malapad syang ngisi sa labi. May kahabaan ang buhok nya at may kakapalan ang bigote at balbas. Pero hindi iyon masagwang tingnan sa kanya at bumagay pa sa mestisuhin nyang mukha. T-shirt na puti ang kanyang suot na hakab ang malaking katawan. Kupas na maong na pantalon na may butas sa tuhod ang pang ibaba nya at brown na combat shoes naman ang sapatos nya. Para syang modelo na nakikita ko sa internet. Sobrang lakas ng dating nya. Kasing lakas ng kabog ng dibdib ko. Sya na yata ang pinaka gwapong lalaki na nakita ko. "Uy Donna, sino ba ang dumating at nagkakagulo ang mga bisita ni Mang Ipe? Artista ba?" Tanong ni Sally na lumapit na rin sa pinto. Hindi ko sya sinagot at nakatingin lang sa lalaki na akbay akbay pa rin si tatay at nagtatawanan sila. Mukhang close sila ni tatay. Sumilip na rin si Sally sa labas at namilog ang mga mata nya. "Shet na malagket! Sino yan? Bakit ang gwapo?" Bulalas nya. "Ewan ko. Pero mukhang close sila ni tatay." Turan ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaki. "Mukhang espesyal syang bisita ni Mang Ipe ha." Sambit pa ni Sally. "Happy Birthday Mang Ipe. Pasensya na kung ngayon lang ako dumating." Sabi ng lalaki na ang boses ay malaki at malalim at medyo namamaos pa. "Wala hong problema boss. Naguumpisa pa lang naman kami. Di ba mga kasama?" Sabi ni tatay. Sabay sabay namang sumagot ang mga bisita ng oo. So sya pala ang boss ni tatay. Ang gwapo nya talaga! Single pa kaya sya? Ipinilig pilig ko ang ulo. Ano ba tong naiisip ko? Kapag nalaman ni tatay na kinikilig ako sa boss nya siguradong sesermonan nya ako. "Donna!" Tawag sa akin ni tatay. Tumingin sa akin ang lalaki na boss nya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at tila nagwawala na ang puso ko sa loob. "Po?" "Halika anak!" Bumaba ako sa dalawang baitang at lumapit kay tatay. Halos di magkandatuto sa pagtibok ang puso ko ng makita ng malapitan ang lalaki. Kung gwapo sya sa malayuan mas gwapo pa sya sa malapitan. Ang ganda ng mga mata nya at ang tangos ng ilong. Mamula mula pa ang mga labi. Ang tangkad nya at ang laki nyang tao. Hindi man lang ako lumampas sa balikat nya. Ang bango din nya at lalaking lalaki ang amoy. "Ah Boss Reed, sya ang nag iisa kong anak, si Donna." Pagpapakilala ni tatay sa akin sa lalaki. "Anak bumati ka kay boss." Reed pala ang pangalan nya. Kakaiba pero ang gwapo din gaya nya. "Donna anak, batiin mo kako si Boss Reed." Untag sa akin ni tatay. Ngumisi naman si Boss Reed. Nag init ang pisngi ko sa pagkapahiya dahil nahuli nya akong nakatulala sa kanya. Tumikhim ako. "H-Hello po Boss Reed." Nauutal pa na bati ko. Ngumiti naman si Boss Reed at nilahad ang malaki nyang kamay. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko yun. Tila may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa ugat ko ng pisilin nya ang kamay ko. Mainit at magaspang ang kanyang kamay. "Akala ko bata pa ang anak nyo Mang Ipe. Dalaga na pala at maganda pa." Nakagat ko ang labi sa kilig sa sinabi ni Boss Reed. Nagagandahan sya sa akin. Sa lahat ng nagsabing maganda ako ay sa kanya lang ako kinilig ng ganito. "Bata pa ho talaga yang anak ko mukha lang dalaga na. Desi syete pa lang ho iyan." Natatawang sabi pa ni tatay. Gusto kong sumimangot sa sinabi ni tatay. Umawang naman ang labi ni Boss Reed at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Tila ba hindi sya makapaniwala. Lalong nag init ang mukha ko sa uri ng tingin nya. Sumilay ang ngiti sa labi nya at nagulat ako sa sumunod na ginawa nya. Ginulo nya ang buhok ko na tila ako isang paslit. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD