Donna "MANANG Salve this is Donna, my wife. Baby sya si Manang Salve ang mayordoma at parang pangalawang ina ko na rin." Pagpapakilala ni Reed sa aming dalawa ng may edad na babae. Kiming ngumiti ako kay Manang Salve. "Ikinagagalak ko po kayong makilala Manang Salve." "Ako rin iha." Nakangiting sabi ni Manang Salve. Pero napansin ko ang pasimple nyang paghagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nahiya naman ako. Alam kong iba ang iniisip nya sa akin ngayon gaya ng iniisip ng ibang tao. Lalo pa at naka school uniform ako. "Mukhang ang bata pa nitong asawa mo iho." Ani Mang Salve. "Desi otso pa lang ho sya manang." Natatawang sabi ni Reed at inakbayan ako. Namilog ang mga mata ni Manang Salve. "Susmaryosep! Sobrang bata pa pala nitong asawa mo." Bulalas ni Manang Salve.

