Donna BUMUNTONG hininga ako habang nagpuputol ng sitaw. Pag hatid sa akin ni Boss Reed dito sa bahay ay balik pananamlay na naman ako. Paano ba naman kinumpirma nyang may girlfriend sya. Kaya heto sawi na naman ang puso ko. Ang hirap palang mainlove. Minsan masaya para kang nasa langit sa sarap ng pakiramdam. Minsan naman masakit at mapait, mas masakit pa sa nanakawan. Kagaya kanina. Parang bulang naglaho ang tampo ko sa kanya kanina at sumama pa akong kumain sa kanya sa fast food chain. Tapos bigla nagbago ng sabihin nyang girlfriend nya yung babaeng kasama nya noong birthday party ng lolo nya. Hay.. nakakabaliw ang mainlove. Muli akong bumuntong hininga. "Anak, bakit ba panay ang buntong hininga mo? Hindi mo ba gusto na gulay ang ulam natin ngayong gabi? Naku Donna anak, hindi rin

