Third POV [Ipe] "O PARE, dito na ako maraming salamat sa paghatid." Bumaba ako sa motor ni Jun. Galing kami sa bahay ng kasamahan namin na may birthday at nag inuman kami doon. Hindi na kami nagpagabi masyado dahil panay na ang tawag ng asawa ni Jun at pinapauwi na sya. Sumabay na rin ako dahil gusto ko na rin magpahinga. Napagod ako sa buong trabaho sa site. Wala si Reed dahil dinala nya si Donna sa mansion ni Don Florentino. Sana nga ay magkasundo ang dalawa. Hindi naman malabo yun dahil malambing ang anak ko. Nasisiguro kong makakasundo nya si Don Florentino. "Kaya mo na ba pare?" Tanong ni Jun na mapungay ang mga mata. Sa aming dalawa ay sya ang pinakamaraming nainom. "Oo naman kayang kaya pa! Baka ikaw ang hindi na kaya mukhang inaantok ka na." Natatawang sabi ko. "Sus! Yakan

