Donna
"HAYAN! Mas lalo kang gumanda baby girl. Hindi halatang eighteen years old ka lang. Sobrang pretty mo. Dalagang dalaga ka na. I'm sure matutuwa si boyfie mo kapag nakita ka nya. Ang swerte ni boyfie mo." Anang binabaeng make up artist.
Ngumiti ako sa kanya sa salamin.
"Wala akong boyfriend miss. Magagalit si tatay."
"Ay ganun ba? Very strict pala si pudra. Pero di bale, I'm sure tutulo naman ang laway ng mga boylet na bisita mo."
Napangiti ako sa sinabi nya. Pero isang lalaki lang naman ang gusto kong tumulo ang laway dahil sa kagandahan ko ngayong gabi. Walang iba kundi si Boss Reed.
Nasa labas na kaya sya? Ang sabi ni Sally kanina wala pa raw. Pero nangako naman si Boss Reed na pupunta sya at kahit busy sya ay pipilitin nyang pumunta. Sayang wala akong cellphone number nya para makontak sya. Wala rin syang social media.
Nag excuse ang make up artist at iniwan ako dito sa maliit na kwarto ng venue na pagdadausan ng debut party ko.
Matamang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin. Tapos na akong ayusan ng make up artist na binabae. Gusto ko ang pagkaka ayos nya sa sakin. Hindi makapal ang make up at light lang pero glowing pa rin ang mukha ko. Hindi kasi ako mahilig sa makapal ang make up. Ang buhok ko ay naka french bun at may nakalawit na hibla sa magkabilaang sentido ko na kinulot. Kulay pink ang suot kong ball gown na pa sweetheart ang style na may strap. Litaw ang kaputian ng ibabaw ng aking dibdib.
Gustong gusto ko ang ayos ko ngayon. Ngayong gabi ay isa na akong ganap na dalaga. Excited na akong makita ako ni Boss Reed sa ganitong ayos. Ano kaya ang magiging reaksyon nya?
"Wow! Ganda naman ng debutante."
Nilingon ko si Sally na pumasok. Pati sya ay nakaayos na rin. Naka dress naman sya na kulay baby pink din. Lumapit sya sa akin at pinagmasdan ako. Nakaguhit ang paghanga sa kanyang mukha.
"Lalo kang gumanda girl." Bulalas nya.
"Talaga? Bagay ba sa akin yung gown?" Tumayo ako at bahagya pang umikot para ipakita sa kanya ang kabuuan ko.
"Oo, bagay na bagay sayo. Lahat naman yata bagay sayo eh."
"Thank you. Ahm Sally, nandyan na ba sa labas si Boss Reed?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya.
"Wala pa. Pero yung mga kaklase natin nandyan na lahat."
Ngumuso ako. "Bakit wala pa si Boss Reed?"
"Aba ewan ko. Di naman ako ang nanay nun."
Sinamaan ko ng tingin si Sally. Tinawanan lang nya ako.
Pumasok ang isa sa mga organizer at sinabing mag sisimula na ang program. Lumabas na si Sally at ako naman ay hinanda na ang sarili.
Matamis ang ngiti ko sa labi habang naglalakad ako sa red carpet. Sumigabo ang palakpakan mula sa mga bisita ko na karamihan ay mga classmates ko.
Ginala ko ang mata sa paligid. Dito sa Casa Zaragoza ginanap ang debut party ko. Nasunod ang gusto kong tema at maraming salamat kay tatay dahil binigay nya talaga ang gusto ko. Hindi man ito kasing bongga gaya ng debut party ng mga mayayaman pero sapat na sapat na sa akin at masaya ako sa lahat ng effort ni tatay.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Lahat sila ay may ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Magaganda at gwapo din sila sa mga suot at ayos nila. Si Sally ay kinukuhanan pa ako ng video. Maging ang ilan kong mga kaklase ay nakatutok din sa akin ang mga cellphone.
"Ang ganda mo girl!" Sambit ni Sally.
Nginisihan ko lang sya. Tumingin ako kay tatay na may hawak ding cellphone at nakatutok sa akin. Gwapong gwapo din si tatay sa suot nya. Naka americana pa sya at bagong gupit. Hindi halatang pinaghandaan din nya ang araw na ito.
Nilibot kong muli ang mata. Nagbabakasakali na makita ko na ang lalaking kanina ko pa inaasam na makita pero wala pa rin ni anino nya. Siguro late lang sya.
Bumuntong hininga ako at tinuon na lang atensyon sa mga bisita.
"Ang ganda ganda mo anak. Para kang prinsesa. Kunsabagay prinsesa naman talaga kita." Sabi ni tatay habang hinahatid ako sa unahan kung saan may nakalagay na pink wing back chair na sa hitsura pa lang ay masarap ng upuan.
"Salamat po tay sa lahat ng ito. Sobra ko pong saya ngayong gabi dahil ginawa nyo itong espesyal. Alam ko pong di biro ang halaga ng lahat ng ito."
"Hindi na importante kung magkano ang halaga ng lahat ng ito anak. Espesyal ang araw na ito para sayo dahil isang beses ka lang magde-debut sa buong buhay mo."
Ngumiti ako at yumakap kay tatay. Sobrang swerte ko dahil sya ang tatay ko. Maaga man akong naulila sa ina pero doble ang pagmamahal na binibigay sa akin ni tatay.
Nagumpisa ang programa sa makabagbag damdamin na speech ni tatay. Hindi nawala sa speech nya ang lagi nyang paalala na i-priority ko muna nag pag aaral at huwang munang magpaligaw. Pabirong binantaan pa nga nya ang mga kaklase kong lalaki.
Matapos ang speech ni tatay ay sumunod naman ang cotillion dance na pinraktis pa ng mga kaklase ko. Nagtatawanan pa nga kami dahil karamihan pa nga sa mga kaklase ko ay mga kaliwa pa ang mga paa. At hindi pa doon nagtatapos, ang mga kaklase kong lalaki ay may dance production pang hinanda. Infairness sabay sabay naman silang sumayaw kahit mga kwela. Tuwang tuwa naman ako sa kanila at na-appreciate ko ang effort nila. Pati nga si tatay ay tuwang tuwa din. May isa pa mga akong kaklaseng lalaki na komedyante na pabirong tinawag na tatay si tatay. Umugong tuloy ang tawanan.
Sumunod naman nagpa-games ang host. Game na game naman ang mga bisita ko. Hindi rin nagpatalo si Sally sa game at nakipagbardagulan pa sa mga lalaki. Enjoy na enjoy naman akong panoorin sila.
Pinapunta na ako sa gitna ng host dahil mag uumpisa ng isayaw ako ng mga lalaking naging malapit sa akin. Nagumpisa syempre kay tatay. Binigay nya sa akin ang hawak nyang red rose. Sumunod naman ang mga kaklase ko, isa isa nila akong sinayaw at may hawak din silang tig isang red roses. Enjoy naman akong kasayaw sila lalo na ang mga kaklase kong komedyante na may sarili pang mga step.
Pero habang kasayaw ko sila ay patingin tingin naman ako sa entrance. Wala pa kasi ang espesyal na bisita ko. Bumibigat ang pakiramdam ko dahil mukhang di talaga sya darating. Nangako pa naman sya sa akin. Nandito nga ang cake na pinangako nya pero wala naman sya. Ano naman ang silbi nun? Kapag hindi talaga sya pumunta di ko sya papansinin kapag pumunta ako sa site.
Hanggang sa ika-seventeen roses ko ay wala pa ring Reed ang nagpakita. Nanlulumo na ako at naiiyak na. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na ngumiti. Mabuti nga at hindi iyon napapansin ng kasayaw ko.
"Nasaan na ang escort mo? Sya na ang susunod sa akin." Tanong ni Mac na kaklase ko at kasayaw ko rin. Nagpalinga linga din sya at hinahanap ang kasunod nya.
"Wala, mukhang di na sya darating. Hayaan mo na nga sya. Ikaw na lang ang escort ko." May inis sa boses na sabi ko.
Pinagpatuloy na lang namin ni Mac ang pagsayaw habang nagkukwentuhan. Mabait si Mac at close ko rin. Kwela sya kaya hindi boring kausap.
"Excuse me, can I have my baby girl?"
Natigilan ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko ng marinig ang malaking boses ni Boss Reed sa likuran ko. Si Mac ay nakaawang ang labi habang bahagyang nakatingala sa likuran ko.
Dahan dahan naman akong lumingon at parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito ng makita ko si Boss Reed na halos isang dangkal lang ang agwat namin.
Ngumiti sya. "I'm sorry I'm late." Inabot nya sa akin ang red roses.
Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon. Narinig ko namang nag excuse si Mac pero hindi ko na sya nilingon dahil na kay Boss Reed na ang atensyon ko.
Nilahad nya ang malaking kamay sa akin. Hinawakan ko naman iyon. Nilagay ko naman ang isang kamay sa balikat nya. Nilagay din nya ang isa kong kamay sa kanyang balikat at humawak sya sa bewang ko.
Walang nagsasalita sa amin at nakatitig lang kami sa isa't isa habang marahang umiindak. Casual ang suot nya ngayon. Naka t-shirt syang puti na pinatungan nya ng itim na dinner jacket. Blue jeans ang pantalon nya at sneakers na puti ang sapatos. Naka half ponytail ang kanyang buhok. Gayunpaman wala pa ring nagbago sa awra nya. Malakas pa rin ang dating nya at nangingibabaw sya sa lahat ng tao dito.
Ngumisi sya. "Pasado na ba nag hitsura ko?"
"H-Ha?"
Mahina syang tumawa. Tinaas nya ang isang kamay at pinisil ang baba ko. Mapupungay ang mga mata nyang titig na titig sa akin.
"You look so gorgeous tonight Donna." Anas nya.
Napakagat labi naman ako sa kilig. Naglaho na parang bula ang kaunting tampo ko sa kanya.
"Akala ko di ka na darating eh."
Ngumiti sya. "Nangako ako sayo di ba?"
Ngumuso ako. "Saan ka ba kasi galing?"
"Galing akong Manila. May inasikaso ako doon tapos dumiretso na ako ng uwi para sayo. I'm sorry kung nalate ako."
Kumagat labi ako. Ibig sabihin di nya talaga ako nakalimutan.
"Salamat sa pagpunta Boss Reed."
Ngumisi sya. "You're welcome baby girl."
"Hindi na ako baby. Hindi mo ba nakikita dalaga na ako. Eighteen na ko." Nanghahaba ang ngusong sabi ko.
Lalong lumapad ang ngisi nya. Tumaas ang kamay nya at pinisil ang ilong ko.
"Kahit tumanda ka pa you're still my baby."
"Dalaga na nga ako ang kulit mo naman." Giit ko pa. Baby sya ng baby dyan. Late na nga sya aasarin pa ako.
Tumawa lang sya at inikot ako.
Hanggang sa matapos ang program ay nakangiti lang ako. Ang mga kaklase kong babae at kahit binabae ay nagpapacute din kay Boss Reed. Nagpapapicture pa nga. Parang gusto ko tuloy sigawan ang mga kaklase ko na akin lang sya. Pero hindi pwede dahil nandyan si tatay.
Sobrang saya ko ngayong gabi dahil kasama ko sya. Hindi sya umalis hanggang sa matapos ang party. Hinatid pa nga nya kami ni tatay sa bahay. Ito ang birthday na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
--
NANGINGITI ako habang binubuksan isa isa ang regalo ng mga kaklase ko. Hindi man yun kamahalan at simple lang ay naa-appreciate ko naman. Ang sabi ko nga sa kanila kahit walang regalo basta dumalo lang sila ay masaya na ako. Pero nag abala pa rin sila.
Binuksan ko naman ang regalo ni Sally na nakalagay sa paper bag. Parang alam ko na kung ano ang regalo nya. Hindi nga ako nagkamali isa iyong ternong damit na baby pink ang kulay. Infairness maganda sya. Alam talaga nya ang mga gusto kong damit. Mamaya ay magti-thank you ako sa kanya.
Dalawang regalo na lang ang hindi ko pa nabubuksan. Ang kay tatay at kay Boss Reed. Inuna ko munang buksan ang kay tatay na nakabalot pa sa gift wrapper. Hindi ko inaasahan na bibigyan pa ako ng regalo ni tatay. Yung party pa nga lang na binigay nya ay sobra sobra na.
Napaawang ang labi ko ng makita ang bagong labas na cellphone na gustong gusto ko. Hindi biro ang halaga nito. Napakagat labi ako. Si tatay talaga. Maayos pa naman ang cellphone ko at pwede naman yung mumurahing brand lang ito pa talaga ang binili.
Binalik ko muna sa box ang cellphone at ang regalo naman ni Boss Reed ang binuksan ko. Isa iyong maliit na box at elegante ang pagkakabalot. Malakas ang kabog ng dibdib na maingat ko yung binuksan. Ayokong mapunit ang wrapper.
Umawang ang labi ko ng makita ang isang gold silver watch. Hindi ko inaasahan na ito ang laman ng box. Lalong pang umawang ang labi ko at namilog ang mata ng makita ang brand.
Omg! Sobrang mahal ng brand na to!
Kinuha ko ang cellphone at sinearch ang brand ng relo. Napasinghap ako ng makita ang presyo. Mahigit isang daang libo! Grabe ganun kamahal!
Teka, baka naman nagkamali lang si Boss Reed ng bigay. Parang imposible namang bigyan nya ako ng ganito kamahal na regalo.
Binalik ko ang relo sa box. Bitbit yun at ang box ng cellphone ay lumabas ako ng kwarto at tumungo ng kusina kung nasaan si tatay. Naabutan ko syang naghihiwa ng carrots na isasahog nya sa lulutuing ulam sa pananghalian. Hindi sya pumasok ngayong sabado.
"O anak, kamusta ang pag-unboxing?" Nakangiting tanong ni tatay at tumingin sa mga hawak ko. "O nabuksan mo na pala ang regalo ko. Nagustuhan mo ba?"
Ngumuso ako. "Bakit niregaluhan nyo pa po ako ng cellphone tay, tapos mahal pa. Ok pa naman po itong cellphone ko."
"Syempre anak, eighteen ka na. Espesyal at mahal dapat ang regalo."
Lumapit ako kay tatay at yumakap sa kanya.
"Thank you po tay. Pero pwede naman pong wala ng regalo basta payagan nyo na akong magpaligaw."
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Joke lang po! Si tatay talaga."
"Mabuti naman at joke lang yan. Kahit eighteen ka na bawal pa rin ang ligaw."
"Opo tay."
"O ano naman yang isang hawak mo? Sino nagregalo nyan? Mukhang alahas ang laman ah." Puna ni tatay ng makita ang isang hawak kong red velvet box.
"Galing po to kay Boss Reed tay."
"Talaga? Anong laman nyan?" Curious na tanong ni tatay.
Binuksan ko ulit ang box at tumambad sa kanya ang mamahaling ladies watch.
"Relo? Mukhang ang mahal nyan ah." Bulalas ni tatay.
"Mahal talaga tay. Sinearch ko nga sa internet nagkakahalaga ng mahigit isang daang libo."
"Talaga? Patingin nga." Binitawan ni tatay ang hawak na kutsilyo at carrot. Nagpunas muna sya ng kamay at hinawakan ang relo. Sinipat sipat nya ito at kiniskis pa sa barya.
"Oo nga, tunay ito kaya mahal." Binalik na sa akin ni tatay ang relo.
"Eh tay, naisip ko baka nagkamali lang po ng bigay na regalo si Boss Reed. Parang imposible namang bigyan nya ako ng ganito kamahal na regalo." Maayos ko ng binalik ang relo sa box.
"Hindi naman siguro anak. Baka regalo talaga nya sayo yan kaya ingatan mo yan. Huwag mo laging isusuot kapag lalabas ka mainit yan sa mata ng mga kawatan." Ani tatay at biglang napahawak sa tiyan at ngumiwi.
"Teka lang anak, maglalabas lang ako ng sa ng loob." Dali daling pumunta si tatay sa banyo.
Ako naman ay nakatitig lang sa relo.
Gusto kong tanungin si Boss Reed tungkol sa relo para makasigurado.
Tumutok ang mata ko sa cellphone ni tatay na nakalapag sa mesa. Kumagat labi ako at hinawakan yun. Tumingin muna ako sa saradong pinto ng banyo bago ko mabilis na kinutingting ang cellphone ni tatay. Hinanap ko ang number ni Boss Reed.
*****