SAM POV "What?!" sabay-sabay naming bulalas sa sinabi ni Veron. Nasa kabilang Isla kami. Sa lugar ni Ate Lea. We were in our honeymoon pero binulabog ako ng mga kaibigan ko kaya napasugod ako bigla dito sa bulaluhan. Naka-stay kami sa Venice Grand Hotel, isa sa branch na pag-aari ng mga Del Carpio. Pinatayo dito sa isla ni Kuya JM for tourist purposes pero ngayon pinasara niya na. Kung anong dahilan hindi ko alam. Tanging pamilya at malalapit na mga kaibigan na lang ang umuukupa sa tuwing pumupunta dito sa isla para magbakasyon. "Anong ibig mong sabihin, Veron?" "Tsaka imposibleng--" "Mark Kevin Sarmiento ang totoong pangalan niya," tiim bagang na wika niya. "He lied to me. Hindi siya isang seaman. Niligawan niya lang ako para mag-espya sa mga Del Carpio at sa.." mariin niya akong tin

