SAMANTHA Flashback... "Nagigising na s'ya! Doc. nagkamalay na s'ya!" narinig kong sigaw ng boses ng isang babae. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata ngunit kaagad din akong napapikit ng masilaw ako sa liwanag ng ilaw sa kesame. Kinusot ko ang aking mata saka tinakpan ng kamay, nang masanay na sa liwanag saka ko tinanggal ang kamay na nakaharang sa mata ko. "Iha, okey ka lang ba? May masakit ba sayo." nag-aalalang mukha ng babae ang bumungad sa akin. Kaagad n'yang hinawakan ang kamay ko. Napatitig ako sa kanyang mukha ng matagal. Ang ganda-ganda n'ya at subrang puti. Ang liit ng mukha. Namumula pa ang kanyang mga pisngi at mga labi. Kulay green ang kulay ng kanyang mga mata. Is she a foreigner? Pero bakit ang galing n'ya magtagalog? Dahan-dahan akong naupo sa kama. Inalal

