Samantha
"Ano, hindi ka pa rin papasok?" sabay-sabay pang tanong sa akin ng mga kaibigan ko.
Kasalukuyan akong gumagawa ng portfolio sa sala ng mag video call si Cait. Ilang araw na nila akong ginugulo through text messages and calls pero hinahayaan ko na lang sila.
Matapos kong ikwento ang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon ay hindi na nila ako tinantanan pa. Lalo't kinabukasan hindi ako pumasok hanggang ngayon. Katakot-takot na sermon at paliwanangan ang ginawa ko sa walang humpay na sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko sa akin.
Nasa canteen sila ngayon. Lunch break kaya may oras mambulabog na naman ang mga ito sa akin. Nakakatawa pa ang mga itsura. Nagkumpulan at pilit pinagkakasya ang mga mukha nila sa screen ng cellphone. Nasa gitna si Cait. Magkabilaang gilid n'ya naman si Sheeva at Criezel, nakatagilid na ang mga mukha. Si Rose at Bea naman nasa ibabaw ng ulo nila nakasilip. Pilit binababa ang ulo ni Cait para makita silang dalawa sa screen. Tuloy halos masubsob na sa mesa ang mukha ni Cait. Kaagad naman babalingan nito si Bea at pinagpapalo ang mukha. Tawa ng tawa naman 'yong isa habang umaatras palayo dito. Napapailing ako habang nakangiting pinapanood sila.
Mga pasaway talaga.
I chuckled. "Bukas na ako papasok. Tinatapos ko lang 'tong portfolio ko para maipasa ko na kay Mr. Minchin."
Naghagalpakan sila ng tawa sa sinabi ko. Ang terror Professor naming si Sir Macaraig kasi ay girl version ni Ms. Minchin ng Princess Sarah. Manginginig ka sa takot. Akala mo'y nagme-menopause na iwan.
Napaangat ako ng ulo ng makita ko sa peripheral vison ko si Wayne na lumabas ng kusina at tumayo sa harapan ko. Kaagad kong nilagay sa mute ang tawag nila matapos ko silang senyasan. Natawa pa ako na animo'y nagfreeze din sila sa kabilang linya. Nakanganga pa si Sheeva.
"Hindi ka pa ba tapos? Kain na tayo." nakangiti n'yang wika sa akin.
I nodded while smiling back at him. "Magpapaalam lang ako sa kanila, susunod na lang ako sa kusina."
"Okey then." Nginitian n'ya ako muli bago naglakad pabalik ng kusina. Nakangiting sinusundan ko s'ya ng tingin.
Masaya ako dahil subrang laki ng ipinagbago n'ya. Simula ng gabing iyon nangako s'yang magtitiwala na sa akin. Paulit-ulit s'yang humingi ng tawad sa pag-iisip ng masama sa akin kaya gabi na ako nakauwi. Sabi n'ya dala ng selos kaya nagawa n'ya 'yon. Nagulat pa ako no'ng una sa inamin n'ya sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik at mataman s'yang tinitigan. Ayaw kong maniwala pero kalaunan biglang napalitan ng galak at kilig ang puso ko na 'di ko mawari. Biglang pumalakpak ang mga tainga ko sa sinabi n'ya. Diba, akalain mo 'yon?
Pinagselosan n'ya lang naman ako kay Luigi!
Kaagad naglaho ang sakit at sama ng loob ko sa kanya matapos n'yang sabihin 'yon. Tapos ilang araw na rin s'yang 'di pumapasok ng opisina para bantayan at alagaan ako. Pwede naman daw s'ya magtrabaho dito sa bahay. Akala mo naman nalumpo ako para 'di maalagaan ang sarili ko. Masyado lang talagang exaggerate ang lalaking 'to. Nakangiting napailing na lang ako sa aking naisip.
Napaigtad pa ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Bea. "Hoy, Bruha.. sino 'yong kausap mo at nilagay mo pa talaga sa mute... parang kinikilig ka pa d'yan?!"
I grinned. "Wala! Sige na't kakain na rin ako. Bye." nakangiting nag flying kiss pa ako sa kanila.
Magsasalita pa sana si Sheeva pero kaagad ko ng pinindot ang end call button. Sigurado akong aabutan kami ng magdamag sa walang puntiryang usapan namin. Ganun sila kalala. Walang katapusan ang bunganga sa labas pero sa loob ng classroom namin akala mo'y mga maamong tupa na 'di makabasag pinggan.
Malalim akong napabuntong-hininga bago tumayo nang sunod-sunod na mag ring ang telepono. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa nag-iingay na telepono at sa kusina kung saan naroroon si Wayne.
Ilang minutong hinayaan ko lang ang pagtunog nito. Inantay kong lumabas si Wayne ng kusina pero hindi nangyari.
Baka hindi n'ya narinig..
I just shrugged my shoulder and walked toward the phone and take the call.
"Hello.. Wayne! Bakit hindi mo na sinasagot ang mga messages at calls ko?!" nangangalaiting bungad na wika ng babae sa kabilang linya.
I frozed. Babae.. BA BA E..? Biglang may malakas na tadyak ang tumama sa dibdib ko. Napalunok ako ng muling magsalita ito.
"Hello Wayne... nand'yan ka ba?!"
"S-Sino 'to?" halos hindi lumabas ang boses ko sa subrang hina ng tanong ko sa kanya.
"Hello? Nand'yan ba si Wayne? Katulong ka ba d'yan? Pakisabi sa bwesit mong amo na tumawag kamo si Maureen. At 'wag n'ya akong pagtaguan dahil buntis ako.. s'ya ang ama!" ani ng nanggigigil na boses ng babae sa kabilang linya at malakas na binagsak pa ang telepono.
Halos mapaatras ako sa subrang gulat sa sunod-sunod na sinabi nito. Hindi ako nabingi sa lakas ng pagbagsak n'ya. Mas nabibingi ako sa lakas at bilis ng t***k ng puso ko. A-Anong sabi n'ya..?
Ilang minuto akong natigilan habang mahigpit pa rin na hawak ang telepono sa kanan kong kamay.
M-Maureen? B-Buntis? Si Wayne...
Habang unti-unting pinoproseso ng utak ko ang narinig ko sa kabilang linya ay dahan-dahan ding nanginig ang buong katawan ko. Lumakas at bumilis pa lalo ang paghampas ng puso ko. Naramdaman kong may maliliit na karayom ang unti-unting tumutusok sa puso ko hanggang sa lumaki ito ng lumaki na parang hinihiwa. Unti-unting pinupunit. Ginugutay-gutay. Pakiramdam ko para akong sinasakal sa subrang sakit. Hindi ako makahinga. Malakas akong napasinghap at naibuka ang aking mga labi ng hindi ko makayanan ang subrang sakit.
Ano 'yon? Sino s'ya? Totoo kaya 'yon?
"Sam, bakit ang tagal mo..?" narinig kong tawag sa akin ni Wayne mula sa kusina.
Mabilis kong hinamig ang aking sarili. Kaagad kong binalik ang telepono sa lagayan nito at nakangiting nilingon s'ya. Hindi ko alam kung ngiti ba 'yong rumehistro sa mukha ko or ngiwi.
"May tumawag kasi sa telepono mo. Si M-Maureen, hinahanap ka. Sorry 'di na kita tinawag, ako na ang sumagot." sabi ko sa kanya.
Namutla ito sa sinabi ko. Ngunit kaagad din nakabawi. Matagal n'ya akong tinitigan.
Nakangiting naglakad ako palapit sa kanya. "Kain na tayo." ani ko sabay pasok ng kusina.
Nakahanda na ang hapag kaya dumulog na ako ng mesa. Dahan-dahan kong hinatak ang upuan. Nagsandok muna akong kanin at ulam at nilagyan ang plato namin pareho bago umupo.
"Sam." tawag n'ya sa akin.
"Hmmm." nakangiti pa rin na nilingon ko s'ya.
Tinitigan ko s'ya. Parang tuod na nakatayo pa rin s'ya sa b****a ng pintuan ng kusina. Hindi s'ya umimik. Nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi habang nakatitig sa akin. Hindi ko kayang basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha, kung natatakot ba s'ya or nag-aalala na iwan.
Natatakot? I scoffed. Kung wala s'yang tinatago at kasalan sa akin bakit naman s'ya matatakot? Bakit s'ya mag-aalala kung alam n'ya sa sarili n'yang wala siyang maling ginagawa na ikakagalit ko?
I heaved out a deep sighs. "Kain na tayo. Maupo ka na do'n." untag ko sa kanya.
Kaagad naman s'yang tumalima at dahan-dahan naupo sa upuan sa kaibayo ng mesa.
Kapwa kami tahimik na nagsimula ng kumain. Animo'y may dumaan na anghel na naka T-back sa subrang tahimik.
Kanina pa ako naiiyak sa subrang sama ng loob pero tinodo ko na ang pagpipigil sa aking sarili. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na ginagawa ko pero kinaya ko. Halos hindi ko malasahan ang kinakain kong ulam na niluto n'yang pork caldereta. Puro lunok na lang ang ginawa ko. Hindi ko na nginunguya pa at baka bigla na lang akong mapahagulhol sa harapan n'ya. Ayaw kong mangyari 'yon. Ayaw kong magmukhang kawawa at desperada sa harapan n'ya. Ayaw kong mamalimos ng pagmamahal sa kanya. Kung talagang mahal n'ya ako patunayan n'ya. Ipakita n'ya at sabihin n'ya sa akin. Ayaw ko ng maniwala pa sa mga salita n'yang walang kabuluhan. Pawang mga pang-uuto lamang. Ako naman 'tong si g*ga nagpauto rin.
Inaamin ko, nag-antay ako sa kanyang paliwanag tungkol sa babaeng 'yon. Umaasa ako na magtatapat s'ya sa akin. Umaasa ako na mag-oopen up s'ya sa mga nakaraan n'ya. Kung past girlfriend n'ya ang babaeng 'yon maiintindihan ko naman e. Kung e-de-deny n'ya na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng yon, kung sasabihin n'yang walang namamagitan pa sa kanilang dalawa maniniwala ako sa kanya. Siya lang ang papaniwalaan ko. Lahat ng sasabihin n'ya.
Ngunit wala! Para akong tangang nag-antay sa wala!
Hindi s'ya nagsalita. Nanatiling tikom ang kanyang mga bibig hanggang sa makatapos kaming kumain at naligpit ko na lahat ng pinagkainan namin.
Hanggang sa umabot ang hapon at umaga. Wala pa rin. Parang wala lang sa kanya.
Sa tuwing iniisip ko 'yon unti-unting nawawalan ng saysay ang lahat ng kabutihang pinapakita n'ya sa akin. Unti-unting kinakain ng selos ang kamalayan ko. Unti-unting pinapatay ang pagmamahal ko sa kanya at napapalitan ng galit. Galit at panibugho na hindi ko mawari kung saang lupalop nanggaling at bigla na lang unti-unting dumadaloy papasok sa puso ko.
*****
Napaangat ako ng tingin matapos kong makita ang kamay na may hawak na panyong nakalahad sa harapan ko.
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatro na kaagad akong nagpunas ng luha sa aking mga mata ng mapagsino ko ang lalaking nakatunghay sa akin.
Talaga naman!
"Anong ginagawa mo dito, Luigi?" galit kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa lilim ng paborito kong punong kahoy ng Molave na tambayan. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko kanina sa canteen na magbabanyo at dito ako kaagad dumeritso. Gusto kong mapag-isa at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa asawa kong babaero. Sinungaling! Walang kwenta! Paasa!
Ilang araw na ang matulin na lumipas simula ng tumawag ang Maureen na 'yon sa bahay pero ang lintik na lalaking 'yon wala man lang sinabi sa akin. Para kaming hangin sa isa't isa. Hindi nagkikibuan. Makailang ulit ko pa s'yang nahuhuling nakatitig sa akin. Akmang may sasabihin pero kaagad ding tumatalikod. Animo'y may pumipigil sa kanya. Hindi ko alam kung ano at kung bakit hindi man lang s'ya magpaliwanag. Clueless ako. At 'yon ang nagpapagulo lalo ng utak at puso ko. Naliligalig ako.
Ang sakit. Subrang sakit ng puso ko kakaisip na baka totoo ngang may nabuntis s'yang iba. Sa lakas ng stamina n'ya sa s*x posibleng totoo 'yon. Pero ang traydor na puso ko kahit durog-durog na ayaw maniwala. Parang tangang umaasa. Baliw na baliw pa rin sa kanya.
Tama pa ba 'tong nararamdaman ko? Hindi kaya subra na? Overreacted na. Or sadyang ganito lang talaga ang pag-ibig? Pasasayahin ka. Patatawanin. Pakikiligin. Paiiyakin. Paaasahin. Dudurugin ka. Tapos muling hihilom ang sugat ng puso mo. Na kahit ginag*go ka na patatawarin mo pa rin dahil mahal mo e. Tanggap mo kahit sinasaktan ka na. Pinipili mo pa rin s'ya sa kabila ng kapintasan n'ya. Maganda sana kung pati s'ya pinipili ka rin. Pinaglalaban ka. Pero pa'no kung hindi? Pa'no kung ikaw lang? Ang sakit diba? Ang sakit maging tanga!
I scoffed.
Malalim s'yang bumuntong-hininga at naupo sa tabi ko. Nanlaki pa lalo ang aking mga matang tiningnan s'ya ng masama ng kunin n'ya ang kamay ko at nilagay doon ang panyo n'ya.
"Why are you crying?" tanong n'ya habang matiim na nakatitig sa akin.
Napailing ako sabay iwas ng tingin. "Wala ako sa mood para makipagtalo sayo ngayon, Luigi."
"Sino nagpaiyak sayo?" tanong n'ya muli.
Napapikit ako ng mariin. Ang tigas talaga ng bungo ng lalaking 'to. "P-Please... iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa." gumagaralgal na ang boses kong sabi sa kanya.
"You can..."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Sabi ko umalis ka dahil gusto kong mapag-isa..!" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sigaw sa kanya.
Kaagad lumandas ang masagana kong luha sa aking mga mata. Halos manginig pa ang aking mga labi sa subrang galit habang nakatitig sa kanya. 'Yong galit ko sa asawa ko tuloy sa kanya ko naibunton.
Bwesit kasi. Hindi ba s'ya makaintindi? Ang hirap magtimpi ng galit at sama ng loob sa bahay. Tapos dito may isa pang asungot at 'di makaintindi na gusto kong mapag-isa.
Tao lang din naman ako at nasasaktan. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Kaso parang ang hirap makahanap ng lugar na walang makikialam sa akin. Walang makakakita.
Ang hirap magkunwaring masaya. Na okey lang ang lahat. Pero deep inside sabog-sabog na ang puso kong walang tigil kakatibok at patuloy na nagmamahal sa kanya kahit ang sakit-sakit na. Halos mamatay ako sa subrang sakit.
Hindi ko inaasahan ang sumunod n'yang ginawa. Mabilis n'ya akong kinabig. Napasubsob ako sa kanyang dibdib at kaagad na napahawak sa damit n'ya sa subrang pagkabigla.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, nanghina ako at kaagad na napahagulhol sa dibdib n'ya. Mahigpit n'ya akong niyakap habang hinihimas ang likod ko. Lumakas pa lalo ang hagulhol ko. Binuhos ko ang lahat ng sakit na matagal kong kinimkim dito sa loob ng puso ko dahil sa panlolokong ginawa sa akin ng asawa ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak habang nakasubsob sa dibdib n'ya. Kaagad akong bumangon sa pagkakasubsob ko ng mawala na ang sakit at luha sa aking mga mata. Sumisinok pa ako sa subrang paghagulhol na ginawa ko.
"S-Sorry L-Luigi. N-Nabasa ko tuloy ang d-damit mo." nahihiyang sabi ko sa kanya habang nakayuko.
Ginamit kong pamunas sa aking mukha ang kanyang panyo na binigay n'ya sa akin kanina. Narinig ko pa ang mahina n'yang pagtawa ng suminga ako doon.
"Care to tell me what happen?" tanong n'ya sa akin.
Hindi ako umimik sa tanong n'ya. Nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Kung sakaling sabihin ko sa kanya maniwala naman kaya s'ya?
Sa totoo lang, biglang nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki. Linahat ko na sila dahil pare-pareho lang naman sila. Mga pa-fall. Puro pangako na napapako lang naman. Ang mga hinayupak na bigla na lang darating sa buhay natin para paligayahin tayo pero hindi naman tayo kayang panindigan. Mga paasa.
Napapitlag ako ng hawakan n'ya ang baba ko at ibaling sa kanya ang mukha ko. Kaagad sumalubong sa akin ang nag-aalala n'yang mukha. Eh..? Nag-aalala? Puro lang naman pambubwesit ang alam ng lalaking 'to. Bakit ngayon ganito ang ekspresyon ng mukha n'ya? Himala ata.
"May... problema ka ba Sam?" tanong n'ya muli sa akin.
I smiled. "Pa'no mo naman nasabing may problema ako?" naiiling na sabi ko sa kanya sabay tanggal ng kamay n'yang nakahawak sa baba ko.
Ngunit ayaw n'yang bitawan ang mukha ko at matiim akong tinitigan sa aking mga mata. Kaagad akong umiwas pero binaling n'ya ulit ang mukha ko. Animo'y binabasa n'ya ang kaloob-looban ko.
Kinunutan ko s'ya ng noo.
"Sa lakas ng hagulhol mo it says everything. You can't lie to me, Sam. Kitang-kita naman sa mga mata mo. Mahal mo, kaya umiiyak ka."
Malakas akong napasinghap sa sinabi n'ya.
He chuckled. " So I was right then. Sino at uupakan ko para sayo?"
I rolled my eyes. "Puro pambubully lang ba ang alam mo, Luigi?"
He laughed. "Kailan ba ako nambully?"
Sinimangutan ko s'ya. "Pwede ba Luigi..."
"Why..? Wala naman talaga akong binubully. I must admit playboy ako. Marami akong naging babae dito sa loob ng Campus. Pero masisisi mo ba ako? Sila ang lumalapit sa akin. Tsaka simula ng makilala kita nagbago na ako. You've changed me, Sam." sabi n'ya habang nakatitig pa rin sa mukha ko.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. What... ano daw? "A-Ano ang ibig mong sabihin?"
Dahan-dahan n'yang ginagap ang kaliwang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. "I like you, Sam. I really do. Nakita mo naman 'yong mga pinanggagagawa ko sayo diba? Para akong tangang habol ng habol sayo kahit pinagtatabuyan mo na ako at ng mga kaibigan mo. Never akong naghabol sa babae, Sam. Sila ang naghahabol at nagmamakaawa sa akin."
Kaagad kong binawi ang hawak-hawak n'yang kamay ko na nasa labi n'ya pa at paulit-ulit na hinahalikan. Bigla akong kinilabutan sa kanya.
"Hindi ka pwedeng magkagusto sa akin Luigi..."
"Bakit hindi pwede?" mabilis n'yang tanong sa akin habang salubong pa ang mga kilay.
Napailing ako. "Basta hindi pwede..."
"Dahil may boyfriend ka na? Pinapaiyak ka lang naman no'n, Sam. Hiwalayan..."
"Wala akong boyfriend." matigas kong sabi agad sa kanya.
"E sino ang iniiyakan mo kung wala ka naman palang boyfriend?"
"Bakit, close ba tayo para magtanong ka sa akin?"
Frustrated na napahilamos pa s'ya ng kanyang mukha.
I chuckled.
"Tapos ngayon pagtatawanan mo ako?" sinamaan n'ya ako ng tingin sabay himas sa kanyang batok "Sh*t... bakit ba kasi nagkagusto pa ako sayo..."
Malakas akong napahalakhak sa sinabi n'ya. "Hindi ko na kasalanan 'yan. Never akong nagpakitang motibo sayo."
"Bakit sinabi ko bang meron?" maangas n'yang sabi sa akin. "Alam ko naman na ayaw mo sa akin. Kaya nga nagustuhan kita lalo dahil hindi ka katulad..."
"Nagustuhan mo ako dahil natapakan ko ang ego mo. Hindi mo matanggap sa sarili mo na may isang babaeng kagaya ko lang ang magre-reject sayo. Ganun 'yon. 'Wag mong haluan ng malisya." nakairap kong sabi sa kanya.
Malakas itong napahalakhak sa sinabi ko. Sinamaan ko kaagad s'ya ng tingin. Kainis ang lalaking 'to. Mabulaklak din ang bunganga. Siguro kung wala akong asawa baka nahulog din ang loob ko sa kanya.
Simula ng pumasok ako sa eskwelahan na 'to hanggang ngayon hindi n'ya na ako tinantanan pa. Hindi ko alam kung ano ang nakita n'ya sa akin para sabihin n'yang gusto n'ya ako.
Kung sa bahay halos mapuno ng bulaklak na bigay sa akin ni Wayne, dito sa eskwelahan maliban sa kaibigan kong si Rose halos lahat ng kaklase ko at sa ibang section nabigyan ko ng bulaklak na bigay sa akin ni Luigi.
Mga pa-fall ang mga luko.
Malalim akong napabuntong-hininga.
"Seriously Sam, I really do like you."
Matamis ko s'yang nginitian. 'Yong ngiting nang-aasar at tinitigan ko s'ya sa kanyang mga mata. "My answer is just the same. Ibaling mo na lang sa iba habang maaga pa. Wala kang mapapala sa akin. Baka umiyak ka lang sa huli, sisihin mo pa ako."
"Ouch." sabi n'ya sabay hawak sa kanyang dibdib. Animo'y nahihirapan. "Aw... ah..aw.. ang sakit.. parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa sinabi mo, Sam. Wala man lang filter 'yang bunganga mo."
I chuckled. Malakas ko s'ya tinulak sa kanyang balikat. "'Wag ka ngang umarte d'yan, bwesit ka."
Malakas s'yang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Pinanliitan ko s'ya ng aking namumugtong mga mata pero lalo lamang lumakas ang pagtawa n'ya.
Pinaghahampas ko s'ya sa kanyang balikat at pinagkukurot sa kanyang tagiliran. Panay naman ang ilag n'ya habang tumatawa pa rin.
Kaasar talaga!
Kalaunan nadala na rin ako sa lakas ng tawa n'ya. We both laughed.
And for the meantime, nakalimutan ko ang problema ko.