THIRD POV
CAITLIN
"P-Pangit ba ako? K-Kapalit-palit ba ako? Sabihin n'yo sa akin!" umiiyak na tanong sa amin ni Sam.
Kanina pa s'ya umiiyak. Simula ng matikman n'ya 'yong alak hindi na namin mapigilan pa s'yang huminto. Kapag hindi na binibigyan ni Rose, nagagalit na at s'ya na ang kusang pumupunta ng counter.
Isa ding mga pasaway ang mga kaibigan ko. Halo-halo ng inumin ang pinainom, tuloy bangag na itong isa at kung ano-ano ng sinasabi. Nababaliw na ata. Umiiyak habang tumatawa.
Hindi ko akalain na ganun kalalim at kalaki ng problema n'ya. Wala naman kasing kinukwento sa amin. Kung hindi ko pa kinulit ng kinulit si Kuya hindi ko malalaman ang totoo. Inakala namin dahil sa pambubully sa kanya ni Monique at iba pang mga estudyante. Hindi pala. Mas malala!
Hindi rin namin inaasahan na may asawa na s'ya. Ang sinabi lang n'ya sa amin dati tumakas s'ya sa arranged marriage n'ya sa probinsya kaya napadpad s'ya dito sa Manila.
Halos madurog ang puso ko ng e-kwento n'yang pumasok s'yang waitress kaso hostess ang nagiging trabaho n'ya sa loob ng Sports Club and Restaurant na in-apply-an n'ya. Buti na lang talaga nakatakas s'ya at napadpad sa Private Room ng lalaking naging asawa n'ya ngayon. Ang kaso niluluko naman s'ya.
Kaagad kong pinalis ang luhang pumatak sa aking mga mata.
Galit ako. Galit na galit sa lalaking 'yon. Kaming lahat.
Sa bait ni Sam nakuha n'ya pa talagang mambabae? Ano pa bang hinahanap n'ya? Nakatagpo na s'ya ng matino, pupunta pa s'ya sa mga pakawalang babae. Sayang kung papakawalan n'ya pa pero for me, hindi n'ya deserve ang pagmamahal na inaalay ni Sam sa kanya.
Napailing ako sa aking naisip. Hindi namin makumbinsi si Sam na sabihin kung ano ang pangalan ng asawa n'ya para maresbakan namin 'tong kaibigan ko. Kahit nilasing na nina Sheeva, wala pa rin. Puro sama ng loob lang ang paulit-ulit na sinasabi. Dapat pala noon pa namin 'to nilasing para nalaman namin agad kung bakit s'ya malungkot at mugto ang mga mata lagi. Pilit n'ya man tinatago sa malaking reading glass na bigla na lang nagkaroon s'ya ng ganun na suot, still hindi maitago sa mga kilos n'ya at sa madalas n'yang pagkakatulala.
"No. Ang ganda mo Sam. Ang ganda-ganda mo. At ang swerte ng asawa mo dahil matino kang babae. Kung iba-iba 'yan baka nanlalaki na. Lalo't nand'yan pa si Luigi. Umaali-aligid lagi sayo." sabi ni Criezel.
"Ayaw ko kay... Luigi. Kaibigan ko lang s'ya." sabi n'ya sabay iling ng sunod-sunod at winawagayway pa ang kanang kamay sa harapan ng mga kaibigan ko. "Ay.. hindi na pala ngayon. Hinalikan n'ya ako. Bwesit s'ya. Magagalit... 'yong asawa ko. N-Nagseselos pa naman 'yon sa kanya."
"E babaero naman ang asawa mo. Bakit s'ya pa ang iniisip mo? Hayaan mo s'ya magselos." sabi naman ni Bea.
Hinampas n'ya ang mesa at muling bumalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Kaagad ko naman pinunasan ng basang wash cloth ang kanyang mukha at sinenyasan si Sheeva na kumuha muli ng isa pang basong tubig.
"Mahal ko nga diba... Ikaw Caitlin kanina ka pa. Hindi mo ba ako love... at ayaw mo sa love ko ha?" sabi n'ya habang tinuturo si Bea.
Sabay-sabay kaming napahagalpak ng tawa sa sinabi n'ya.
"Lasing na nga" nakatawa pa rin na sabi naman ni Rose.
"Kasalanan mo ang lahat ng 'to." akusa ko kay Rose.
Nagpalinga-linga pa ito habang tinuturo ang sarili. "Ako talaga? Sino nagplano na lasingin para magtapat itong isa, aber?"
"Asus... lahat naman tayo nagplano nito kaya 'wag na kayong magturuan pa d'yan. Baka kung saan pa 'yan mapunta. Patulugin n'yo na 'yan si Sam para makauwi na tayo mamaya." sabi ni Sheeva sabay tayo. "Gusto n'yo ba ng kape?"
"Yes, please. 'Yong matapang Eve." inaantok na sabi naman ni Criezel habang nakayukyok ang ulo sa ibabaw ng mesa.
"'Isa pang tawag mo sa akin na Eve, bubuhusan talaga kita ng yelo ng mahimasmasan ka agad." angil sa kanya ni Sheeva sabay lakad papunta ng counter.
Nakangising sinundan naman ito ng tingin ni Criezel.
Napailing na lang ako sa dalawa.
Mga pasaway talaga..
"Su-Susuka ako." maya-maya sabi ni Sam.
Kaagad napabangon sina Bea at Criezel sa pagkakayukyok sa mesa.
"Hindi pwede!"
"'Wag muna!"
Sabay pang sigaw ng dalawa.
Kaagad naman itong binatukan ni Rose.
"Anong pinagsasasabi ninyo d'yan na dalawa? Kumuha kayong basin do'n at bagong wash cloth." sabi ni Rose sabay takbo palabas ng Restaurant.
Nasundan ko na lamang sila ng tingin ng magkanya-kanya silang alis sa harapan ko. Kaagad kong niyuko si Sam na tumigil na sa pag-iyak at nakapikit na.
"Sam, okey ka lang ba?" sabi ko sa kanya habang tinatapik sa kanyang pisngi.
"Hmmm... susuka nga ako... blaargh..."
Napangiwi ako agad ng maamoy ko ang suka ni Sam.
Kahit kailan talaga ang bango-bango ng suka ng lasing. Langya!
"Sh*t... sakto lang ang dating ko." nakangiwing sabi ni Criezel habang inaayos ang pagkakasahod ng bagong bili naming basurahan sa harapan ni Sam.
Kaagad naman lumapit samin si Bea at hinagod ang likod ni Sam habang yakap-yakap ko ito para 'di masubsob.
Nagmamadali naman pumasok si Rose galing sa labas at lumapit sa amin. Kaagad tinalian ang mahabang buhok ni Sam.
"Ano 'yan?" tanong ko sa hawak n'yang maliit na bote.
"White flower." nakangising sabi n'ya sabay pahid sa batok ni Sam.
Kinunutan ko s'ya ng noo. "Gamot ba 'yan sa lasing?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
She grinned. "Gamot 'to sa hilo."
"Lasing s'ya kaya nagsuka." sabi ko.
"Parehas lang 'yon sa nahihilo kaya nagsuka." katwiran pa n'ya sa akin.
Nagkatinginan na lang kami nina Bea at Criezel sa sinabi n'ya.
Ang daming nalalaman ng babaeng 'to.
Ilang minuto 'din ang lumipas na nagsuka si Sam. Pinainom namin s'ya ng malamig na tubig at pinunasan ng basang wash cloth ang mukha at saka pinatulog sa pinagdugtong-dugtong namin na mesa.
"Kahit papa'no malaki ang pakinabang ni Luigi. Kung hindi dahil sa kanya hindi pa natin malalaman ang lahat tungkol sa babaeng 'to. Masyadong malihim." sabi ni Sheeva habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na si Sam.
Halos isang oras na itong natutulog. Nakailang kape na rin kami para matanggal ang tama ng alak sa katawan. Ang sakit na rin ng ulo ko. Buti nakasuka rin ako kanina kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Hindi ako masyadong nagpakalasing lalo't ako ang magmamaneho at maghahatid sa kanilang lahat.
"Same like you. Anong meron sainyo ni Ivan?" sabad naman ni Rose.
Kaagad naibuga ni Sheeva ang iniinom na kape.
"Damn.. ang init!" sabi n'ya habang pinapaypayan ng kamay ang dilang napaso.
Malakas kaming napahalakhak sa itsura nito. Nakalabas pa ang dila habang namumula ang mukha.
Hmmm... Smell something fishy..
Tinitigan ko s'ya ng mariin. Kaagad naman s'yang nag-iwas ng tingin.
Tinaasan ko s'ya ng isa kong kilay. "So may something nga? Ano, nagsisipaglihim na kayo ngayon, ganun?"
"Now I know kung bakit bigla ka na lang nawawala. May banyo-banyo ka pang nalalaman. Doon ba kayo nag-kiss?" ngising asong asar naman ni Criezel.
Matalim itong tiningnan ni Sheeva ngunit tinawanan lang s'ya nito. Napailing ako.
"Kaya pala ganun makatitig si Ivan. Sh*t ang pogi pa naman n'ya." kinikilig naman na sabi ni Bea habang nangalumbaba sa ibabaw ng mesa.
Kaagad itong binatukan ni Sheeva.
"Aray naman, Sheeva!" nakasimangot nitong sabi habang hinihimas ang ulo.
I rolled my eyes while heaving a deep sighs.
Malapit na akong mabaliw sa mga luko-luko kong mga kaibigan.
"'Wag mong pagpantasyahan 'yon, lukaret ka." sabi ni Sheeva kay Bea.
"A-Anong oras na guys?" tanong ni Sam na biglang bumangon sa pagkakahiga habang nakapikit pa ang mga mata at sapo ng dalawang kamay ang ulo.
Kaagad namin s'yang nilapitan. Niligpit naman ni Rose ang mga baso na pinagkapehan namin at dumeritso ng kusina.
"Quarter to eight pa lang. Matulog ka pa muna." sabi ko.
"No.. hindi pwede. Kailangan ko ng umuwi." sabi n'ya sabay baba ng mesa.
Kaagad ko s'yang hinawakan ng gumiwang s'ya.
Sh*t lasing pa nga ang isang 'to, ang tigas ng ulo.
"Parang... binibitak ang ulo ko. N-Nahihilo pa ako. Umuwi na tayo.. please." nagmamakaawang sabi n'ya habang nakapikit at mahigpit na nakahawak sa braso ko.
Nagkatinginan kaming magkakaibigan.
They shrugged their shoulders while looking at me.
Malalim akong napabuntong-hininga. "Sige, uwi na tayo."
****
Antok, pagod, sakit ng ulo at subrang hilo ang nararamdaman ko habang nasa kasagsagan kami ng byahe pauwi ng Taguig sakay ng kotse ni Sheeva. Si Cait ang driver namin katabi si Sheeva sa unahan. Kami namang apat sa likod. Kapwa mga tulog na ang mga katabi ko.
Sinandal ko ang aking ulo sa upuan habang nakapikit ang aking mga mata. Kanina pa ako nag-iisip kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang humingi pa akong isang Margarita. Hindi ko alam kung nakarami ba akong nainom or ano at ganito ang nararamdaman ko. Ang bigat ng ulo ko. Para pa akong nasusuka.
Maya-maya huminto ang sasakyan. Kaagad akong napadilat.
"Sh*t... ang sakit talaga." daing ko habang sapo ang ulo ko.
"Okey ka lang ba Sam?"
"Kaya mo ba? Hatid ka namin sa Unit n'yo."
Sabay pang tanong sa akin nina Cait and Sheeva habang nag-aalalang nakatitig sa akin.
"'Wag na. Kaya ko na. Ingat kayo sa pag-uwi ah. Salamat ulit sa..."
"Naku, basta ikaw. Kanina ka pa kakapasalamat. Nakakaumay na oy." sabi ni Cait.
I chuckled. "Basta salamat pa rin."
"Hay, iwan. Bahala ka nga." naiiling na sabi n'ya sa akin.
Tumawa naman si Sheeva habang ang mga katabi ko nakangangang mahimbing pa rin na natutulog.
I smiled. "Sige na. Bababa na ako..."
"Wait.. 'yong bulaklak mo." nakangiting abot sa akin ni Sheeva.
Tiningnan ko s'ya ng masama. "Sayo na lang 'yan."
She grinned."Yellow naman 'to hindi red. Friendship..."
"Mag friendship man 'yan o hindi, ayaw ko pa rin n'yan." sabi ko kay Sheeva.
"Kawawa naman si Luigi. Nag-effort na nga lahat-lahat kahit..."
Kaagad kong hinablot ang bouquet na nasa kamay n'ya. "Akin na nga. Ang dami mong sinasabi. Kinokonsensya mo pa talaga ako." nakairap na sabi ko sa kanya.
Magkapanabay pang malakas itong napahalakhak ni Cait. Pupungas-pungas namang naalimpungatan ang tatlo.
Nagmamadaling kaagad akong lumabas ng sasakyan ng makita kong nagising na ang mga katabi ko.
Hindi ko maalala kung ano ang nangyari ng malasing ako, pero sa uri ng tingin at ngisi nina Cait at Sheeva sa akin parang ang dami kong nailabas na sekreto. Kaagad kong nasapo ang aking ulo ng mahilo ako. Muntik pa akong matumba sa pagtayo ko sa kakamadali ko. Pakiramdam ko ang lambot ng mga binti ko at ano mang oras babagsak ako.
Nalintikan na!
"Bye. Salamat ulit. Ingat kayo sa byahe." sabi ko at kaagad silang tinalikuran.
Narinig ko pang tinawag nila ako pero 'di ko na sila pinansin. Malakas pa silang nagtawanan.
Mga bruha talaga.
Malalim akong napabuntong-hininga habang nakasandig sa gilid ng pinto ng Unit ni Wayne. Nahilo ako sa pagsakay sa elevator. Pakiramdam ko umiikot ang paligid ko at hinahalukay ang tiyan ko. Subrang bigat ng ulo ko na parang minamartilyo.
Bwesit talaga. Ganito pala ang pakiramdam ng nalalasing. Hinding-hindi na talaga ako uulit pang uminom.
Nang medyo um-okey ang pakiramdam ko kaagad kong binuksan ang pintuan gamit ang duplicate card keys ko. Ngunit kaagad din akong natigilan ng makita kong punong-puno ng pinaghalong pink, silver and white balloons sa buong sala. May mga stolen shots photos ko din na nakasabit sa bawat tali nito. Kaagad kong ni-lock ang pinto at isa-isa itong tiningnan. May nakanganga pa ako habang natutulog sa kama n'ya.
Malakas akong napasinghap ng maalala kong iyon ang unang gabing magkasama kami dito sa Unit n'ya. Napatakip ako ng aking bibig habang tumutulo ang aking mga luha sa aking mga mata at tiningnan lahat ng picture na nakasabit sa bawat tali ng lobo.
May nagsusulat ako habang nakasalampak sa lapag sa may sala. Nakaside view at nakatalikod ako habang nagluluto sa kusina. Naglalaba sa laundry room. Natutulog sa couch, sa may kusina, sa may balcony. Subrang dami ng stolen shots n'ya. Hindi ko alam na kinukuhanan n'ya pala ako ng palihim. Hindi ko din alam kung pa'no n'ya nalaman ang birthday ko. At mas lalong hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa?
Bwesit kang lalaki ka! Bakit kailangan mo pa akong pakiligin kung hindi mo naman ako kayang mahalin?
Gusto kong mapahagulhol pero kaagad kong pinigilan ang sarili ko. Tapos na akong umiyak. Tama na at subra na. Kailangan kong paglabanan ang lintik na puso ko at gusto ata palitan ang pwesto ng utak ko sa ulo.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Natutulog s'ya sa ibabaw ng couch. Nasa itaas ang kanyang isang binti sa couch at ang isa naman nasa lapag. Nakatakip ang isang braso sa kanyang mga mata.
Natigilan pa ako ng makita ko ang isang bouquet ng red roses at may chocolate pa na nasa center table. Katabi ang isang bote na nangalahati na ang laman ng alak.
Kaagad kong hinamig ang aking sarili at makailang ulit na bumuntong-hininga. Akmang lalapitan ko na s'ya ng bigla n'yang tanggalin ang brasong nakatakip sa kanyang mga mata. Kaagad s'yang bumangon.
"Sam... kanina ka pa ba?" tanong n'ya sa akin at kaagad lumipat ang paningin sa hawak kong bulaklak.
Makailang ulit akong napalunok ng makita ko ang biglang pagdilim ng kanyang mukha. Gumalaw pa ang kanyang panga.
Paktay na...!
"Kanino galing 'yan?" madiin n'yang tanong habang nakatitig sa bulaklak na hawak ko.
Hindi ako nakaimik.
Sasabihin ko bang kay Luigi galing? E galit s'ya doon! Bwesit talaga 'tong Sheeva na 'to. Pahamak talaga!
Sabi ko sa aking isip ngunit kaagad din akong natigilan ng maalala kong nambababae nga pala s'ya habang kasal kami at pinagbubuntis n'ya pa lahat.
Nakipagsukatan ako ng tingin sa galit n'yang mga mata na mariin na nakatitig sa akin. Pakiramdam ko gusto n'ya akong ibalibag sa tindi ng galit na nakikita ko sa kanyang mga mata.
I heaved out a deep sighs at kaagad nag-iwas ng tingin.
"Sino nagbigay sayo ng bulaklak na 'yan?" muling tanong n'ya sa akin.
"Si Luigi."
"SonOfABitch! Umalis ka para makipagkita lang sa kanya?!" asik n'ya sa akin.
Nagpagting ang tainga ko sa sinabi n'ya. Ang sakit-sakit ng puso ko at ulo ko ng dahil sa kanya tapos kung makaasta akala mo ang linis-linis n'ya.
Hah... anong akala n'ya pwerke dito ako nakatira pwede n'ya ng gawin ang lahat ng gusto n'ya?
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Ano naman sayo kung nakipagkita nga ako sa kanya? 'Diba ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi mo ako pagbabawalan ng kahit anong gusto kong gawin? Sinabi mo sa akin na 'wag ko itong seryosohin na kasal na 'to. Na kagaya mo malaya ko rin gawin ang lahat ng gusto ko. Simula ng magsama tayo at laging kang wala dito sa bahay at hindi ko alam kung saang lupalop ka nagpunta at kung sino ang kasama mo, pinagbawalan ba kita? Na kahit para na akong tangang nag-aantay ng reply at tawag mo dahil nag-aalala ako sayo hanggang sa mamuti ang mga mata ko tapos wala man lang akong marinig na kahit anong paliwanag mula sayo, nagreklamo ba ako sayo? Hindi diba? Hinayaan kita! Binigay ko sayo ang kalayaan na hinihiling mo kahit nasasaktan ako dahil sa lintik na pusong 'to na walang tigil kakamahal sayo..!" sunod-sunod na sigaw ko sa kanya habang malakas kong pinupukpok ng kamao ang dibdib ko.
"Sabagay, sino ba ako para mahalin mo? Wala naman ako sa kalingkingan ng mga babae mo. Tsaka pumasok pa ako ng Club. Ano nga ba naman ang panama ko sa kanila?" gumagaralgal ang boses kong sabi sa kanya at kaagad pinalis ang mga lintik na luhang hindi na nauubos pa sa mga mata ko.
"Kung sino-sinong babae ang binuntis mo pero may narinig ka ba sa akin? Wala diba? Tapos ngayon pagbabawalan mo ako? Anong gusto mo? Ikaw lang ang malayang gawin ang lahat ng maibigan mo tapos ako bawal? Ang unfair mo! Makasarili ka! Hindi mo man lang inisip na sa bawat maling galaw mo may tao kang nasasaktan. Kung gusto mo pala ng kalayaan bakit mo pa ako pinakasalan? Para pasakitan ako? Bakit, anong kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito ha? Ano, trip mo lang kaya kinaladkad mo ako sa ganitong sitwasyon na hindi ka naman pala sigurado? Anong klaseng hayop ka para pagsabay-sabayin mo ang mga babae mo habang kasal tayo ha? Ano..?! Sumagot ka! Sabihin mo sa akin?!" nanginginig ang mga labing sigaw ko sa kanya habang hilam ng mga luha ang aking mga mata.
Malakas akong napasinghap ng hatakin n'ya ang braso ko palapit sa kanya. Kaagad kong nabitawan ang bulaklak na hawak-hawak ko sa subrang gulat at napasubsob sa dibdib n'ya.
Hindi ko na napigilan pang muli ang sarili kong mapahagulhol ng yakapin n'ya ako ng mahigpit.
T'ngna n'ya... paasa!
Nagwala ako. Nagpumiglas ako sa mahigpit n'yang yakap sa akin at pinagsusuntok ang dibdib n'ya. Rinig na rinig ko ang lakas na kalabog ng bawat kamao kong tumatama sa dibdib n'ya.
Binitawan n'ya ako at hinayaan lang na suntukin s'ya ng paulit-ulit. Hindi s'ya umiwas man lang sa bawat kamao kong tumatama sa katawan n'ya.
Nanggigil ako lalo sa inaakto n'ya. Hindi man lang s'ya magsalita. Bwesit s'ya. Nakakanginig ng laman.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal kakasuntok sa kanya. Pakiramdam ko mas dumoble ang sakit ng puso kong sugatan. Imbes na mawala parang mas nasaktan pa ako lalo.
Bakit ba kasi ang tigas ng dibdib n'ya?
Tuluyan akong nanghina at dahan-dahan na tumigil sa pagsuntok sa kanya.
"S-Sam." mahina n'yang tawag sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nahihilo na ako at mas lalong sumakit ang ulo ko.
Akmang aalis na ako sa harapan n'ya habang nakayuko ng hapitin n'ya ako sa aking baywang. Nagpumiglas akong muli ngunit may sa bakal ata ang lalaking 'to at ang tigas ng buong katawan.
Tiningala ko s'ya para dakdakan sana ulit ngunit nanlaki ang mga mata ko ng sakupin n'ya ang nanginginig kong mga labi. Pakiramdam ko umikot ang paningin ko sa biglang baba ng mukha n'ya sa akin.
Kaagad ko siyang naitulak sa dibdib.
Umiikot s'ya!
"W-Wayne...susuka.. blaargh... blaargh... blaargh."