SAMANTHA "Good morning!" masayang bungad ko sa kanila pagpasok ko ng kusina at makitang engrossed na engrossed sa paghahanda ng mga lulutuin para sa agahan namin. Napangiti pa ako ng sabay pa silang dalawa ni Cecil napahawak sa kanilang dibdib sa subrang gulat. "Ate Sam naman e." "Susmaryosep kang bata ka, hindi lang pala sa dalawang makulit na kuting na 'to ako aatakihin sa puso kundi pati sayo e, basta ka na lang sumusulpot." bulalas ni Nana Floree. "Bakit ba ang aga mong bumangon?" Tiningnan ko ang mga ingredients sa isasangag na kanin ni Nana Floree. Hmmm mag be-vegetable fried rice? Naghihiwa ng carrots si Cecil habang dinudurog naman ng sandok ni Nana Floree ang kanin. Nakangiting nagpalinga-linga ako. "Bakit wala po si Nancy?" "Naku, kunwari ka pa. Lumang style na 'yan. Ma

