Kahit na nag-aalala pa rin si Saraya dahil sa kakaibang pakikitungo sa kanya ng Ninong Dwight niya nang makita niya ito noong umagang iyon ay hindi pa rin niya mapigilan ang pag ngiti. “Picnic sa ilog?” hindi makapaniwala na bulalas niya nang marinig ang sinabi ng Mama niya. Hindi niya akalain na mangyayari ang araw na iyon. Hindi naman kasi mahilig sa picnic ang Mama niya at hindi rin ito mahilig sa swimming kaya nang sabihin nito sa kanya na magpipicnic sila ngayong araw ay labis labis na tuwa ang naramdaman niya. “Talaga po, Mama? Sino pong mga kasama?” hindi pa rin makapagpigil na bulalas niya. Hindi talaga siya makapaniwala na naisip ng Mama niya iyon! Siguro ay totoong naawa ito sa kanya noong nakaraan dahil sa hindi pagpayag ng Ninong niya na sumama siyang maligo sa mga kaibigan n

