Tinuon ni Kaleb ang ulo sa braso. Aliw na aliw sa namumulang mukha ng asawa na nakakagat-labi pa habang parang bata na nilalaro ang mga daliri. 'Come here.” ma-awtoridad na utos ni Kaleb, tinapik ang kama. “K-Kaleb, baka may makakita,” mabilis na sagot ni Andra, luminga pa ito sa pinto. Malakas na halakhak ang itinugon ni Kaleb dahil sa sagot ng asawa, akala siguro ni Andra ay may gagawin siya dito. “Seriously, Daphne?” “Hmp, bakit inaaya mo akong tumabi d'yan kung wala kang binabalak?” usig niya sa asawa na tawang-tawa pa rin sa reaksyon ng mukha niya. “Wala lang, I just want to hug you while lying beside me.” umurong ng konti si Kaleb upang bigyan ng espasyo ang asawa na nagsisimula ng sumampa sa kama. “Gusto mo gawin natin dito?” “Ano? Nakakahiya, kaya ko pa naman magtiis, sa baha

