“Oh, bakit lagi kang nakatingin sa akin? Hindi ka ba nagugutom, nangangasim?” tanong ni Kaleb habang hinahaplos ang tiyan ni Andra. Kasalukuyan silang nasa himpapawid patungong Greece. Kinagat ni Andra ang mga labi saka luminga-linga. Dahil biglaan ang plano at peak season, puno halos ang eroplano na nasakyan nila. “Hindi ako nagugutom, pero ikaw ang gusto kong kainin,” maharot na sabi ni Andra. Napaupo ng tuwid si Kaleb dahil sa tinuran ng asawa. “What do you mean? Are you feeling horny right now?” bulong ni Kaleb habang nakatitig sa asawa, iiling-iling. Umaasang NO ang magiging sagot ng asawa. “Yes!” masayang tango ni Andra dahil nakuha agad ni Kaleb ang ibig niyang sabihin. Luminga ito sa bandang toilet. Naunawaan naman ni Kaleb ang gustong mangyari ng asawa. “D-Daphne, not here.

