“Andra!” biglang sumpot ang isang lalaki. Namulat ni Andra ang mga mata dahil sa boses na iyon. Bukod sa pamilyar kamukha ito ng asawa. “K-Kaleb?” bulong na sambit ni Andra. “A-Andra…” mahinahong sagot ng lalaki. “B-Buhay ka?” muling tanong ni Andra. Dahan-dahang lumapit ang lalaki kay Andra. Binaba naman ni Andra ang hawak na baril at tuluyan ng binitawan iyon. “Kaleb, buhay ka!” niyakap niya ang asawa ngunit imbes na gumanti ito ng yakap ay nararamdaman niya ang malamig na posas sa kanyang kamay. Napaurong siya ngunit huli na. Nadaya na siya nito. “No! What are you doing!” bulalas ni Andra saka lang niya na-realize, si Klaeb pala ang kaharap. “Hayop ka talaga! Hanggang ngayon ay masama pa rin ang ugali mo! Hinayaan mo na lang sana akong mamatay!” sigaw niya habang nagpupumiglas.

