SIMULA
Ikatlong Buwan bilang Janitress sa Argonza Tower
Tatlong buwan na akong janitress dito sa Argonza Tower, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung tama ba ang pagbigkas ko sa "executive." Minsan parang eksikyutib, minsan naman egzekyutib. Basta, kung ano ang tunog, 'yon ang sinusulat ko. Wala namang nagrereklamo, so okay lang siguro.
Nakatingin ako ngayon sa salamin ng CR habang may hawak akong mop. Basa ang bangs ko—hindi dahil basa ang buhok ko, kung hindi dahil tumalsik na naman ang Zonrox. For the third time this week. Siguro kailangan ko na talagang gumamit ng hairnet.
Tahimik ang palikuran. Wala pang gumagamit. Pero sa labas, rinig ko 'yung yabag ng sapatos ng mga naka-heels.
Sariwa pa rin sa alaala ko 'yung unang araw ko dito.
"Saela! Lintek ka! Bakit ka nag-floorwax doon? Tiles 'yon! Hindi 'yon pino-floorwax! Malalagot nanaman tayo nito sa floor manager!"
Sigaw 'yon ni Aling Nida, 'yung matanda kong ka-janitress na parang may master's degree sa pang-aalaska. Napapikit ako habang hawak pa rin 'yung mop na basa-basa, kita ko sa reflection ng tiles kung gaano kakinis ang sahig. As in literal na parang salamin. May tubig-tubig pa nga, e.
"Sorry po, Aling Nids. Uso sa amin kasi ang mag-floor wax. Binili ko nga iyon, e."
"Diyos ko! Bakit ka ba natanggap dito?" Umirap siya habang pinupunasan ang gilid ng corridor. "Maglinis ka lang nang tama. 'Di tayo artista rito. Janitress tayo. Ang sahig, 'wag mong gawing entablado!"
"Opo," mahina kong sagot, pero sa isip-isip ko, ang sahig na 'to—ito ang runway ko sa buhay. Dito ako naglalakad para sa pamilya. Para sa bigas. Para sa electric fan namin na may tali pa ang stand.
Biglang dumating si Marlon, isa sa mga janitor sa kabilang wing.
"Uy, Saela! Putik, nakita ka raw ni Sir Knox sa camera. Paakyat daw siya."
Nalaglag ang mop ko.
"Hala. Hala. Hala gyud. Tinuod ni?"
"Legit, girl. Galing sa guard. Pababa na siya kanina pero nung nakita sa CCTV 'yung floorwax mong tiles, umakyat ulit. Sabi niya, 'Find that woman.'"
"Hala... tatanggalin ba ako?" Nag-panic na ako. Saka ako tumakbo para magpaliwanag sa director.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang madulas ako—diretso akong bumagsak sa mismong floor na ako rin ang nag-wax.
Nakahiga ako roo , kita ko sa kisame ang ilaw, umiikot-ikot sa paningin ko mula sa pagkauntog din ng ulo ko.
Maya-maya, may mga tahimik pero mabilis na yabag. Hindi 'yon ordinaryong lakad. At bago ko pa maitulak ang sarili ko paupo, isang anino ang tumigil sa tapat ko.
Matangkad at nakaitim. Makinis ang sapatos. At parang kahit sapatos niya may yaman.
Mabagal siyang yumuko. Tiningnan ako at
hindi siya nagsalita. Kita niya yata 'yung kaluluwa ko.
Siya 'yon.
Ang CEO.
Altair Knox Argonza III.
Tiningnan niya ang kamay kong may hawak pa ring mop. Saka lumipat sa sahig at tumingin muli sa akin.
"Get up. Sumunod ka sa opisina ko."
Kabado akong sumunod. Tahimik ang opisina ni Sir Knox. Hindi basta opisina—
para itong altar ng kayamanan. Lahat malinis.
Kulay abo at itim ang paligid. May malaking glass desk. May malaking pader na puro libro, pero parang design lang.
At 'yung sofa? Diyos ko, baka mas mahal pa kaysa sa buong bahay namin.
Umupo ako sa harap niya, pero hindi ako nakasandal. Baka madumihan ko. Pawisan ang likod ko. Nakaupo siya sa harap ko, straight posture, walang emosyon. Parang robot.
Tinitigan niya ako.
"Bakit ka nandito sa Maynila?" tanong niya.
Napakamot ako ng batok. "Para sa pamilya ko po, Sir. Taga-Davao de Oro po kasi kami. Hirap po talaga sa amin. Walang gaanong trabaho. Mahirap ang buhay."
Tumango siya, seryoso pa rin.
"Do you have a child? Husband?"
"Bata pa po ako." Napangiti ako.
Tahimik siya ulit. Nag-type siya sa laptop saglit, tapos tumingin muli.
"Ano ang mga pangarap mo?"
"Simple lang po, Sir. Gusto ko lang po mapagtapos ang kapatid ko. Gusto ko rin po mapaayos ang bahay namin." Napatigil ako, tapos biglang nainit ang pisngi ko. Nagpatuloy ako, bigla na lang akong naging proud.
"Bahay namin, Sir! Bato! Hindi siya kahoy, Sir! Wala ng tarpuline ng mga kakandidato na pang... ano, sa Tagalog no'n? Pang-talo sa ulan ba gano'n. 'Yung nilalagay sa bubong? Wala na po 'yon! Puro yero na kami ngayon! Galvanized pa 'yan, Sir!"
Tinitigan niya lang ako.
Tumingin siya ulit sa monitor niya, parang may binabasa.
"Are you a virgin?"
Napatigil ako. Ngumiti ako nang kaunti.
"Ay, oo naman po, Sir!"
"Are you sure?"
"Opo, Sir. Sure ako, ganiyan ang mga tanong sa baryo namin, sir. 'Yung kaibigan ko virgin din."
Tiningnan niya ako, diretsong-deretso. Walang kibot.
"Paano mo nasisigurado?" Tumayo ako.
"Wait lang po, Sir. Pakita ko sa inyo."
Hinawakan ko na ang garter ng pantalon ko at tila ibaba nang sumigaw siya.
"Jesus!" sigaw niya bigla.
Napaatras siya sa swivel chair niya,
"Sorry po, Sir! Akala ko gusto niyo pong i-check mismo! Pasensya na po! Ganito po talaga kami sa probinsya, iyong kaibigan ko kasi iyong anak ng mayor doon? Tinanong siya n'yan! Kaya binaba niya palda niya para patunayan tapos naiwas na ako. Siraulo nga! Pero kapag gusto niyo i-check, okay lang po."
"S-Sit down. For God's sake, Miss Batungtite." Hawak niya ang sentido niya habang ako naman ay pulang-pula na.
Umupo akong parang uwak na nahuli sa tanghalian ng boss.
Tahimik ulit.
Tumingin siya sa akin. Nag-adjust siya ng upuan. Huminga siya ng malalim.
"Batungtite talaga apelido mo?" Tumungo naman siya. "Miss Batungtite... what I'm about to say next, I need you to listen carefully."
Tiningnan niya ako nang matagal.
"Would you be willing... to carry my child?"
"Po? Ano mo nga, Sir... Tagalog mo kaunti. Nalibat gyud ko."
Napasinghap siya. Parang napagod sa simpleng buhay ko. Pinisil niya 'yung sentido niya, then huminga nang malalim.
"Be my babymaker and I'll raise your salary."
Napakurap ako.
"Sabihin mo kung ano ang gusto mo, I'll give it to you. Pag-aaralin ko ang kapatid mo sa magandang unibersidad."
Babymaker?
Pamilyar sa tenga ko 'yung word pero parang hindi ko ma-connect. Parang appliance. Parang rice cooker na may extra function. Ah! Parang coffeemaker!
Iyong babae sa baba pinagawa ako no'n! Madali naman. Kaya ko 'yan!
"You will carry my child. Legally. Discreetly. Professionally. I'll provide you with a generous compensation package in exchange for full cooperation."
So parang mag-aalaga ako ng baby.
Ewan. Pero nang marinig kong tinaasan ang sahod ko...
From fifteen thousand... naging forty thousand. Gumalaw ang kaluluwa ko.
Nakita ko ang bahay naming may bagong yero. Ang kapatid kong naka-uniform ng kolehiyo.
At ang nanay kong 'di na kailangang maglako ng banana cue sa initan.
Kaya napalunok ako. Tapos ngumiti.
"Sige po, Sir. Payag ako. Kailan ako magsisimula?"
"We'll handle everything legally, medically, and discreetly. I'll provide a generous compensation package in exchange for full cooperation. The arrangement will be strictly professional."
Tumango rin ako, parang naiintindihan ko. Pero... may biglang pumasok sa isip ko. Tumango ulit ako nang mabagal kahit wala ako maintindihan, ang bilis kasi ng english niya parang nagra-rap.
Tapos nagtaas ako ng kamay.
"Okay po, Sir... pero—uhm... ano po 'yung ingredients sa paggawa ng baby?"
"Pardon?" Parang nanlaki ang mata niya sa tanong ko.
"'Yung babymaker po kasi, Sir... ano pong mga ingredients ang kailangan? Sa baba po kasi pinagawa ako ng coffee sa coffeemaker, dito naman po?"
Tahimik.
Tumingin siya sa akin. Hindi galit. Pero para siyang iniisip kung seryoso ba ako.
"Miss Batungtite..." Boses niyang mababa, mabagal, parang pinipigilan ang pagputok ng ugat sa noo. "...we'll discuss the logistics with a doctor."