“FLOWERS FOR YOU,” anang kapatid niya na may dala-dalang isang bungkos ng bulaklak. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka. “Kanino galing ‘yan?” tanong niyang hindi nakatingin rito at sa ginagawa niya nakatuon ang mga mata. “There’s a card on it. Gusto mo basahin natin para malaman natin kung sino nagpabigay nito?” anang kapatid niya na may kalakip na pagbibiro ang tinig nang sabihin iyon. Wari bang nanunudyo na naman ito habang parang naiihi ito sa kilig. “Ako na magbabasa niyan. Hindi naman para sa’yo ‘yan, eh.” Inagaw niya ang bulaklak at kinuha ang card doon. Pinasadahan niya nang mabilisang basa ang card. “Kay Clint galing.” “I knew it!” masayang bulalas ng kapatid niya. Tinaasan niya ito ng kilay dahil mas ito pa ang excited at kinikilig sa pinadalang bulaklak ni Clint para

