"Congratulations, Zyska!" tili ni Rebekah habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. Palabas na kami ng hospital at papunta na sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Huminto muna ako bago tumingin sa kaibigan ko. "I can't believe this, Bekah!" naluluhang sambit ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. She smiled at me, sweetly bago sinapo ang mukha ko. "Anong you can't believe this? Expected na 'to since you are married, my dearest best friend!" Ngumuso ako bago tuluyang naluha na talaga. I heard her laughing as she hugged me, tightly. "I am so happy, Rebekah!" naiiyak na sambit ko habang yakap siya. "I-I mean… this is what Beau and I wanted ever since we planned to have a baby at ngayon totoo na!" napahagulhol na 'ko. "I'm gonna be a Mother now!" "Yes, you are," she agreed while h

