Agad akong inawat ng pulis. Inilayo rin ako ng pulis kay Ruffa lalo na't balak ko pa itong lapitan, ramdam din nito na galit na galit ako sa babae. “Ma'am, huwag po tayong basta magalit, baka po lalo lang madagdagan ang kasalanan ninyo!” malumanay na sabi ng lalaking pulis. “Tangina naman, oh! Bakit ako ang ikinulong ninyo? Bakit hindi ang babaeng ‘yan na pinatay ang aking kaibigan. Mga gago na kayo?! Kung alin pa ang walang kasalanan siya pa ang ikukulong ninyo! Samantalang siya na tambak ang kasalanan at hindi mabilang-bilang kung ilan ay hindi ninyo maikulong! Anong utak mayroon kayong mga pulis na saan ba ang mga utak ninyo, nasa talampakan pa ba?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa pulis na kaharap ko. Kulang na lang ay sakalin ko ang pulis. Nakita kong bigla nitong na

