Biglang napatingin sa akin ang apat na lalaki na ngayon ay nasa gitna pa rin ng daan. Mukhang wala itong balak umalis. Wala naman akong makikita na tattoo sa katawan nito. Ngunit ang itsura nila ay hindi nakakatuwa tapos wala pa silang pang-itaaa na damit. “Kayo hawakan ninyo ang tatrantado na ito. Kapag tumayo sipain ninyo sa bitlog,” anas ko sa apat na babae na kasama ko. Mukhang ayaw pang umalis ng mga abnormal na lalaki. “Ms. Ganda! Puwede kang umalis sa lugar na ito, ngunit kailangan mong iwan ang lalaking ‘yan at ang apat na babae—” anas ng isang lalaki. Hindi ako nagsalita. Tuluyan pa rin akong humakbang para lapitan sila. May nakita ako bote na walang lamang kaya agad ko itong dinampot. “Iiwan sila? Gago ka ba? Nagpakahirap akong kuhanin sila tapos ipapaiwan ninyo lang, anong

