NGUNIT BIGLA AKO

1946 Words

(Paula’s Pov) Dali-dali akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Muntik na talagang makita ni Doggy-Doggy si baby Xylone. Mabuti na lang at hindi lumingon si baby Xylone kay Doggy-Doggy. Pabagsak tuloy akong naupo sa kama. Bigla akong napatingin sa hawak kong buhok ng Dakido. Bigla akong napangisi dahil paniwalang-paniwala ang Doggy-Doggy na ‘yon na kukulamin ko siya. Agad akong kumuha ng paglalagyan ko ng buhok ni Dakido. Itinago ko muna ito. Muli akong lumabas ng kwarto para balikan si Baby Xylone. Nakita ko agad ito na hawak ni Yaya Gladel. Ako naman ay pabagsak na naupo sa sofa. Muli na naman akong napahilamos sa aking mukha. Diyos ko po muntik na talagang makita ang anak ni Ms. Hell. Bigla akong napatingin kay baby Xylone na panay lang ang tawa dahil naglalaro sila ni Yaya Gladel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD