(HELENA’S POV) Mabilis akong naglambitin sa mga sanga ng puno papunta sa kuta ni Mr. Singko. Dumating na ang hayop na Singko sa kuta niya. Kaya ito na rin ang oras para magbayad ito sa mga kasalanan niya lalo na sa mga kawawang tao. Nang umapak ang aking paa sa malaking sanga ng puno ay mabilis akong umakyat papunta sa mas mataas na puno. Mabilis kong inayos ang suot kong salamin sa mga mata ko. Agad ko ring pinindot sa maliit na button. Mayamaya pa’y nakikita ko na ang mga nangyayari sa loob ng kuta na pagmamay-ari ni Singko. Hmmm! Na saan kaya si Mr. Singko? Mukhang busy pa ito sa mga babae niya. Ngunit kailangan ko munang maghintay. Sumandal muna ako sa puno. Mariin ko ring ipinikit ang aking mga mata. Ngunit gusto kong magmura nang maalala ko si Ruffa. Hayop na 'yon! Nakatakas pa.

