Kinabukasan ay maaga akong nagising, kahit na sabihin pa na ano’ng oras na rin akong nakarating kagabi mula sa pagpasok ko sa bahay nina Mr. Kinse at Mr. Singko. Tinatamad pa nga akong bumangon. Ngunit kailangan kong pumunta sa bahay ni Xavier. Ngunit bago umalis dito sa higaan ay nagtext muna ako kay Sagel. Sinabi kong sa sabado na lang sila pumunta rito, dahil ilang araw akong wala rito sa van. Hindi rin kasi tiyak kong papayag si Mr. Xavier na kung puwede ay stay out na lang ako. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong umalis dito sa kama. Ngunit napatingin ako sa bag na naglalaman ng pera na kinuha ko sa bahay nina Mr. Kinse at Mr. Singko. Sa pagbabalik ko na ito ipapamahagi sa mga tao rito sa Baryo Faldok. Napatingin naman ako sa maliit na remote. Agad ko itong kinuha para buksan ang t

