Galit na galit ang tabas ng mukha nito habang nakatingin sa akin. Parang gusto akong sakaling nang paulit-ulit nito. Ngunit muli ko itong binigyan ng sapak dahil pinaghihintay ako ng matagal na talaga namang pinakang-ayaw ko na mangyari. “Idol, magpapa- autograph lamang ako sa 'yo, ngunit ano’ng ginagawa mo? Pinaghihintay mo pa ako, mabilis akong mainip, baka gusto mong ikalat ko ang scandal ninyong tatlo!” At muling pinagduldulan sa mukha nito ang papel at ballpen. Tumingin muna ito sa akin. Pagkatapos ay inis na kinuha ang papel. Agad kong itinuro rito kung saan siya pipirma. “Sumunod ka sa akin, idol. Huwag kung saan-saan ka pipirma, matuto kang sumunod sa mga nag-iidol sa ‘yo!” Sabay hampas ko sa ulo nito gamit ang aking kamay. “Damn!” narinig kong anas ng lalaki. Sabay tingin nit

