Kitang-kita ko ang galit nito sa akin. Ngunit lalo ko lang itong aasarin. Dahil sa galit sa akin ng lalaki ay muli niya akong binuhusan ng tubig na malamig. Ngunit nakangisi pa rin ako. BALAK pa sana akong buhusan ng tubig nang biglang dumating si Mr. Nerdol. Galit na galit itong lumapit sa aking at buong lakas akong sinampal sa kabilang pisngi ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa ibabang labi ko. May dati ng sugat ako sa gilid ng labi, ngunit nadagdagan pa. Taas noong tumingin ako sa lalaki. Walang takot sa aking mukh at tlagang lumaban pa ako ng titigan dito. Sa totoo lang ay surang-sura ako sa pesteng ito! “Ano bakla ka ba, huh?” mapang-asar na taong ko. Nakita kong lalapit ito sa akin. Ngunit mabilis kong pinag-umpog ang mga noo namin. Walang kahirap-hirap ko ring naalis ang ta

