Hanggang sa makita kong kinuha ang bote ng alak na mayroon pang laman at basta na lang inimon ng lalaki. Dahil sa ginawa nito at tuluyan nang sumiklab ang galit ko sa aking katawang lupa. Agad kong kinuha ang isang bote ng alak na walang laman at basta ko na lang hinampas sa ulo nito. “Tatrantado kayo! Nanahimik ang tao, ngunit ginagago ninyo!” Sabay hampas ko sa ulit ng bote sa ulo ng isang lalaki. Agad ko ring kinuha ang upuan na nandito at ito ang ginamit ko para ihampas sa likuran ng hayop na lalaki. Mukhang matigas ang likuran nito, dahil nasira nag upuang kahoy! Nakita kong balak pang tumakas ng lalaking uminom ng alak ko. Mabilis tuloy akong tumambling sa ere at tuloy-tuloy na bumagsak sa harap nito. Hanggang sa buong lakas kong sinipa ang sikmura nito dahilan kaya tumalsik na nam

