(HELENA’S POV) Marahas akong napahinga nang ihinto ko ang aking kotse sa tapat ng bahay ko. Napatingin ako sa aking braso na ngayon ay tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo dahil sa tama ng bala. Natamaan kasi ito ng bala ng baril nang pagbabarilin ang bubong ng kotse. Ngunit wala pa ito sa aking bituka, saka matagal pa akong mamamatay. Pagdating sa aking kwarto ay agad akong pumasok sa loob ng banyo para maglinis ng buong katawan. Muli akong napatingin sa aking braso na may bala pa sa loob dahil masakit ito. Mayamaya pa’y agad na rin akong lumabas ng banyo. Dali-dali kong kinuha ang medicine kit. At agad na nilinisan ko ang sugat ko at inalis ang bala sa loob.. Hanggang sa tahiin ko na ito lalo at malalim ang sugat. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong bumagsak sa ibabaw ng kama dahil antok

