Nanlalaki rin mga mata ko habang nakatingin sa mga lalaking naglalaro ng basketball. Lalong naningkit ang aking mga mata nang makita kong nagpipigil ng tawa ang mga babae. Parang gusto ko tuloy silang pagbabatuhin ng granada. Ang sabi ko magiging mabait na ako at hindi na magmumura kahit kaylan, ngunit heto ako ngayon at parang gusto kong manakal ng tao hanggang sa mag-violet. Aaminin kong ang hirap pa lang maging santa! “Ahh! Hell, magtimpi ka, kagagaling mo lang sa loob ng simbahan at kakatapos lang magkumpisal…” baliw na kausap ko sa aking sarili. Mayamaya pa’y buong lakas kong sinipa ang bola papalayo upang hindi na nila kuhanin. “Subukan kang ninyong kukuhanin ang bola, titiyakin kong gugulong kayong lahat sa lupa, mga peste kayo--!” pagbabanta ko sa kanila. Bigla silang nanahimik

