KAILANGAN kong makita ang nilalagay nila sa loob ng kahon. Hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Nang makakita ako nang puwede kong madaanan ay mabilis akong gumapang papunta sa mga kahon na ngayon ang nakapatas ng maayos. Agad kong hinila ang isang kahapon at pilit na dinala sa tagong lugar. Dali-dali kong binuksan ang kahon. Hanggang sa tumambad sa aking harapan ang maraming baril. Pagawaan pala ito ng armas? May shabu rin na kasama? Marahan tuloy akong napahinga ng malalim habang panay ang iling ng ulo. Agad kong binuksan ang maliit na camera na nasa hikaw ko upang makita ni boss Zach ang mga nangyayari rito pati na rin ang nalaman ng kahon. Ngunit bigla akong napatingin sa baril. Teka, peke yata ito? TAINGA peke nga. Bakit ganito at para saan ito? Agad kong kinuha ang

