Tumingin ako sa mukha ni Xavier. Sobrang nag-aalala ito sa Ina sa kanyang ina. Simpre kahit masama ang ugali ng ina nito ay nangibabaw pa rin sa puso ni Xavier ang isang mabuting anak. Agad ko na lang ibinaba ang dala-dala kong bag. Mabilis kong kinuha ang aking gwantes para isuot sa aking mga kamay. Balak ko na sanang kuhanin ang maliit na injection nang bumukas ang pinto at pumasok si Ruffa. “Xavier, ano’ng ginagawa mo? Bakit sa kanya mo ipapagamot ang Mommy mo, na babaliw ka na ba? Diyos ka naman! Baka kung ano pa ang mangyari sa Mommy mo!” palatak ni Ruffa. Sabay tingin sa akin ng masama. “Puwede ba, Ruffa. Lumabas ka na lang. Hindi ka nakakatulong sa paggaling ng sakit ni Mommy. Ang ingay mo pa!” pagtataboy ni Xavier sa babae. “Nag-aalala lamang ako sa Mommy mo Xavier. Bakit kailan

