Kitang-kita ko na lalong nagalit ang babae sa akin. Ngunit wala akong pakialam sa bruhang ito. Hanggang sa galit na galit itong tumingin sa akin at kulang na lang ay kakagatin ako sa aking leeg. “Ang lakas ng loob mong murahin ako! Oo nga pala! ‘yong mga ganiyang salita ay mga asal kanal lamang—” mapang-uyam na sabi ng babae. Napansin ko rin ang pagsenyas ng babae sa mga tauhan nito na kasama. Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko. Hanggang sa makita kong balak akong lapitan ng dalawang lalaki. Ngunit maliksi akong umalis sa aking pwesto dahil balak akong hawakan. Pero sadyang makulit ang dalawang lalaki at gusto talaga akong hawakan, kaya naman walang kahirap-hirap na nakalapit ako sa likuran nila sabay hawak sa batok nila at basta ko na lang pinag-umpog ang mga ulo nila. Walang bala ko

