Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. So, totoo nga na hindi ako anak ni Mama Hasie. Teka sinong Ina ko? Si Papa kaya ay tunay ba niya akong anak? Hanggang sa muli akong tumingin kay Manang Surlyn upang magtanong dito. Gulong-gulo kasi ang utak ko. Hindi ko na kasi alam kung alin ba ang totoo sa aking pagkatao. “Sobrang naguguluhan po ako, Manang. Paano po nangyari na hindi ako ang anak ni Mama Hasie? Sino po ang totoo kong Ina?” nanlulumong tanong ko kay Manang Surlyn Parang gusto ko tuloy manapak ng tao. "Hija, huwag kang mag-alala dahil ang papa Rebel mo ang tunay mong ama. Totoong anak ka niya! Ang Ina mo lang na si Hasie ang hindi mo talaga tunay na ina. Akala ko ibabaon na lang sa limot ang lihim na ‘yan at hindi na babalik ang dating alaala ni Hasie. Ngunit mali pala ako ng

