Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Parang gusto kong bumawi sa lalaking ‘yon. Kaya pala may kakaiba sa banta nito na walang sisihan dahil may ginawa na itong kalokohan sa akin! Magkakasunod ko tuloy nahampas ang aking ulo. Hanggang sa napatingin ako sa isang drawer. Dali akong lumapit dito. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nandito pa rin ang aking boxer short. Puwede na ito kaysa sa wala. Hanggang sa nagmamadali na akong pumunta sa loob ng banyo para mag-shower. Ngunit hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ako kay Dakido dahil sa pagnanakaw nito sa aking panty. Mukhang kailangan ko ulit bumawi sa lalaking ‘yon. Agad na lamang akong naglagay ng malaking t-shirt sa aking katawan. Kinuha ko rin ang boxer short ko at ito ang isinuot. Kailangan ko pa lang maglaba

