(PAULA’S POV) Kitang-kita ko ang inis sa mukha ng babae. Ngunit wala akong pakialam dito kahit magbuga pa ito ng apoy. Sa sobrang laki ng kasalanan nito kay Ms. Helena, ang sarap nitong ibugsok sa lupa, 'yong tipong hindi na makakabangon. “Ano’ng sabi mo? Kilala mo ba ako? Gusto mo bang mamatay na?!” pananakot nito sa akin. Agad naningkit ang aking mga mata. Ngunit dahan-dahan akong lumapit dito. Balak sana nitong tumakbo pero mahigpit kong hinawakan ang braso nito. “Papatayin mo ako? Papaanong paraan mo ako papatayin, huh? Balak mo ba akong hampasin ng sinturon o hihiwain mo ba ang aking mukha ng kutsilyo.o baka naman balak mong plantsahin ang aking buog mukha, ganoon ba ang gusto mong pagpatay sa akin, madam?” mariing tanong ko sa babaeng kaharap ko. Kitang-kita ko sa mukha nito

