Zaina Jhin “Hay sa wakas natapos din!” masayang sambit ni Jozelle matapos itong sumandal sa kanyang upuan. Sinulyapan ko lamang sya at saka nginitian, ipinagpatuloy ko na ang pag aayos ko ng project ko na tinapos namin. “Sabi ko naman sayo, matatapos natin yan, kung sana noon kapa nagsabi edi sana hindi na bumababa ang grades mo,” wika naman ni Jovann habang pinagmamasdan ang project na halos lahat ay siya na ang gumawa. Kanina ay pinatawag ako ng aming guro upang kausapin tungkol sa project na hindi ko naipasa sa subject naming science. Aminado ako na hindi ko na talaga nagawa ang project na iyon kayat hindi ako nagpasa. Bukod sa matagal gawin na uubos ng mahabang oras dahil mabusisi ang paggawa, magastos pa ito kayat pinabayaan ko na lamang na hindi ako makapag pasa. Kasalukuyang kat

