“Don't go anywhere. Stay beside me,” bilin sa akin ni Revas pag-alis namin sa bahay niya hanggang sa makarating kami dito sa birthday party nang pamangkin ni Asher. Kanina pa siya bulong nang bulong sa akin na para bang hindi ko naririnig ang paalala niya. Sa medyo sulok kami pumuwesto dahil iyon ang gusto ni Huxley. Kapag daw kasi pumuwesto kami malapit sa buffet table ay baka sa amin na lang mapunta ang atensiyon ng mga tao imbes na sa debutant. “Nagugutom ka na ba?” tanong sa akin ni Revas. “Gusto mo na bang kumain?” Umiling ako. “Magpapakuha ako ng pagkain kung gutom ka na.” “Hindi pa nga,” sabi ko dahil halos kauumpisa pa lang ng party. Nang ipakilala ng host ang pamangkin ni Asher ay napansin ko na tutok na tutok ang mga mata ni Huxley sa babae. Halos hindi ito kumuku

