Mia POV Hinanap namin yung address kung nasaan ang ina at kakambal ko. Na ayun nga sa sulat ni Lolo ay nasa Bulacan daw. Medyo nahirapan din kami dahil pangalan lang naman ang inilagay ni Lolo sa sulat wala man lang picture para mas mabilis sana naming mahanap. After 2 months ay natagpuan namin sila. Si Jeya ang madalas kong kasama dahil bumalik sa Canada si Philip para asikasuhin ang isa pa nyang negosyo dun. Isinama nya rin si Pritz. Nakilala ko na ang biological mother ko. Napaka bait nya. Napa ka buti rin ng pangalawang asawa nya. May tatlo pa akong kapatid sa ina. Si Lonji ang panganay nya kay tatay Lino, may sarili na rin syang pamilya doon sika ngayon nakatira sa Baguio taga dun kasi ang napangasawa nya, may isa na rin silang anak. Si Lena naman ang pangalawa dalaga pa ito at may

