Mia POV Kauuwi ko lang ng bahay ng may marinig akong nag-uusap. "Eh bakit nilalaanan mo ng oras kung hindi naman pala sayo. Gusto mo yung babae?" narinig kong tanong ni kuya Tyrone sa kausap nya. " Honestly I don't know.! Naguguluhan ako, siguro gusto ko sya..." boses ni Philip. Hindi ko na kayang makinig sa usapan nila. Nasasaktan ako sa nangyayari sa relasyon namin ni Philip ngayon. Umakyat na ako sa kwarto namin saka natulog. Nagising ako dahil sa bigat ng braso na nakayakap sa akin. Natulog nalang ulit ako dahil masama pa rin ang loob ko. Kinaumagahan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Philip. Bumangon na ako at nag tungo sa banyo. Paglabas ko ay saka ko lang napansin na may bulaklak sa may dressing table. Kinuha ko ito at binasa ang naka sulat sa card. I'm sorry love. I lo

