Chapter 13

1038 Words

PAGKARAAN NG ilang araw ay nanatiling maayos ang relasyon namin ni Jerson, sa kabila nang pagiging abala niya sa pagre-review para sa nalalapit na board exam. Kapantay niyon ay ang kaniyang kaba at excitement. Madalas ay sa cellphone na lang kami nakakapag-usap dahil pagkatapos niya sa school ay saka naman siya nagre-review. Pero isang araw ay hindi ko inaasahan na sadyang magbabago ang lahat. Dahil ilang araw bago ang kaniyang exam ay sa bahay ko siya dumiretso para makapag-review. "Kumusta naman ang pagre-review?" pagbubukas ko ng usapan matapos siyang ipagtimpla ng kape. Nakahiligan niya na talaga ang kape. "Ayos naman, medyo masakit lang sa ulo, bhie," wika niya nang medyo nakaangat ang tingin sa akin. Tumabi ako mula sa kinauupuan niya at bahagyang napasandal sa kaniyang balikat. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD