ALAM KONG hindi pa maayos ang lahat sa amin ni Jerson pero alang-alang sa anak namin ay handa kong hindi ipagdamot ang karapatan na 'yon. Hindi rin naman matatawaran ang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak kaya habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Kitang-kita ko kay Jerson kung gaano siya kasaya ngayon habang karga-karga ang anak ni'yo," wika ni Rafael nang maabutan niya na karga-karga ni Jerson si Baby Jesrel. Kaming tatlo na lamang ang nasa bahay dahil nagpaalam nang umuwi ang tatlo kong kaibigan na sina Dela, Eli at Mallow. Sa sinabi ni Rafael ay napabuntong hininga lamang ako at hindi kaagad nakasagot. Pero ilang sandali pa ay natigilan ako sa itinanong niya, "Ikaw ba? Masaya ka ba sa pagbabalik niya?" Doon ako napalingon sa kaniya at kataka-takang

