AIKO'S POV Nakatitig lang ako sa mukha n'ya. Gusto kong umiyak. I missed him. Maya maya pa ay bigla nalang s'yang lumayo sa akin at inayos ang buhok n'ya. "The guards are out, you can go back to your room." malamig na sabi n'ya sa akin. Tumayo na rin ako at tumapat ng tayo sa kan'ya. Punong puno ng emosyon ang mga mata ko. Iniangat ko ang mga kamay ko at hahawakan ko na sana ang mukha n'ya nang pigilan n'ya ko. "What are you doing?" naguguluhang tanong n'ya sa akin. Kita ko ang pagtataka na rumehistro bigla sa mga mata n'ya. "A-ako 'to, si Aiko. Si Aiko 'to Pierce.." mamungay mungay ang mata ko nang sabihin ko 'yon sa kan'ya. Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ko kaya napatingin ako doon. "Get out of here.. if you don't want your head to be blown off." natigilan ako nan

