1st day of the Survival Game
AIKO'S POV
Natapos kami kumaing lahat na walang nag sasalita ni isa. Bawat nguya at pagsubo talagang tahimik lang.
Kahit kaming dalawa ni kuya na magkatabi na'man, 'di manlang nag uusap. Kahit bulungan lang, wala.
Paano ba na'man kami maguusap eh 'yung iba na kasabay na'min kumain which is sina: Lili, Carla, Ayumi, Riley, Eric, Paulo, Dark, at Andrew talagang tahimik lang. Akala mo mga special child na hindi kayang magsalita. Tunog lamang ng kuberytos ang maririnig mo.
Kaya ayun, kahit gusto kong daldalin at inisin lang si kuya 'di ko magawa. Sarap pa na'man bwisitin nito, mukha s'yang kumukulong takure.
Tapos na kaming kumain lahat pero 'di pa kami nagsisitayuan sa mga upuan na'min.
Lahat nagmamatyag, lahat nagmamasid, lahat nag-aabang sa orasan. It's still 7 pm at kaming lahat ay nag-aabang lang na mag 9 pm bago mag-sipuntahan sa mga kwarto na'min para malaman kung kami ba ang impostor o hindi.
"Do you guys really think na magtatagal kayo sa laro na 'to? HAHAHAHA sa mga mukha n'yong 'yan umaasa pa kayong malaking pera makukuha n'yo? Galing n'yo na'man mag patawa daig n'yo pa clown HAHAHAHAHA." napatingin kami kay Eric nang bigla s'yang nagsalita.
Napataray ako ng wala sa oras. Napakayabang na'man nito. Tignan nalang natin kung sino ang magtatagal at hindi. Inuunahan agad ng yabang. Pag ikaw hindi tumagal at isa sa maagang pinatay, tatawanan talaga kita.
Don't get me wrong. Hindi ko na'man hinihiling na mamatay s'ya. Yung doon lang sa sinabi n'yang 'di kami magtatagal ang pino-point out ko.
Mabait kaya ako, good girl 'to mga cyst.
"Napakayabang mo. Sino kaya yung nagmamagaling na mag w-walk out sana ng conference room tapos isang iglap lang tulog na?" maarteng sagot ni Carla sa sinabi ni Eric.
Tinignan ko na'man si Eric at halatang naiinis na ito sa sinagot sa kanya ni Carla. 'Yan buti nga sayong panget ka.
"Ano bang pakealam mo? Kaysa na'man sa'yo para kang madrasta kung makaasta napakaarte mo pa, naririto ka rin na'man para lang sa pera nagpapanggap ka pang mayaman." balik na pambabara ni Eric sa isinagot sa kan'ya ni Carla.
Okay, I need popcorn. I'm enjoying this.
"W-wala kang alam okay?! And I can tell you na mayaman talaga ako! It's just that, something happened and I need money, a huge amount of money because of it.." Sinabi n'ya 'yon nang nakayuko at nakakuyom ang mga kamay. Natahimik kami.
That's it, that's the tea. Hindi pala lahat ng naririto ay mahihirap. May nangyari lang sa kanila kaya sila napilitang kumapit dito. And what is the reason? The main reason and the root of all of this? Of course, it's money.
"Could both of you just shut the f**k up? Nakakarindi kayong dalawa." napalingon kaming lahat sa pinanggagalingan ng malalim ngunit ma-owtoridad na boses na 'yon. Dark is the one who spoke.
Natahimik na'man yung dalawa nang marinig yung sinabi ni Dark.
"Tss, mga isip bata. Hindi din kayo tatagal na dalawa kung hindi pa naguumpisa 'yung lecheng larong 'to, gumagawa na kayo ng conflict sa isa't isa. Baka nakakalimutan n'yo? We need guess the impostor accurately and correctly if we all don't want to get killed. And in order to do that? Don't build a wall between each other. Magiging dahilan 'yon para magpadala kayo sa emosyon n'yo at makasabi o makagawa ng desisyon na hindi n'yo alam.. pwedeng pagsisihan n'yo nang matagal na panahon." makahulugang sabi n'ya at saka naglakad palabas ng dining area habang nakalagay ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng pants n'ya.
Sinundan ko s'ya ng tingin. Dark is a bit mysterious. Tahimik lang s'ya pero once na magsalita s'ya, mapapakamot ka talaga sa ulo mo sa sobrang lalim ng kahulugan ng sinabi n'ya.
As I look and scan his physical features, doon ko lang na-realize na isang magandang lalaki si Dark.
Yung buhok n'ya ay itim na itim ang kulay at yung style ay parang sa mga k-drama which is a big turn on para sa mga babaeng adik sa mga koreano.
His fair skin, para s'yang si SUGA ng BTS sa ganda ng kutis n'ya at sa puti ng balat n'ya.
S'ya yung mga tipo ng mga karamihan sa mga babae sa panahon ngayon.
Iniwas ko yung tingin ko sa kan'ya nang bigla s'yang lumingon sa gawi ko.
Naramdaman kong nagsimulang mamula 'yung mga pisngi ko nang mahuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya.
What the actual f**k, Aiko? Kailan ka pa namula nang dahil sa lalaki?
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Ano ba Aiko? Nakakahiya ka!
Dahan dahan kong binalik 'yung tingin ko sa kan'ya at nanlaki 'yung mata ko nang makitang nakatingin s'ya sa akin.
Hindi pa s'ya umaalis sa pwesto n'ya. Nakatigil lang s'ya sa tapat ng pintuan ng dining area at nakatingin lang sa gawi ko.
Or baka na'man hindi ako 'yung tinitignan n'ya at nag a-assume lang ako?
Dali dali kong iniwas 'yung tingin ko dahil naramdaman ko lalo na lalong namumula 'yung magkabilang pisngi ko.
Umayos ka nga Aiko! Makita ka ng kambal mo ewan ko nalang kung hindi ka asarin buong magdamag!
Kita ko sa peripheral vision ko na umalis na si Dark at diretsong lumabas palabas ng dining area.
Napabuga ako sa hangin, f**k that was awkward.
Napatingin ako sa harap ko dahil naramdaman kong may nakatingin sa'kin.
Nakita ko si Lili na nakangiting nakatitig sa akin. Nakita n'ya ba?
Napayuko ako at namula nanaman 'yung pisngi ko.
Ano ba 'yan! Nakakahiya!
Napaigtad ako bigla nang may marinig na tunog na nanggagaling sa speaker sa loob ng mansyon. Hindi ba marunong mag abiso 'yung bwisit na 'yon pag magsasalita s'ya para mag announce?
Magkakasakit talaga ako sa puso lagi nalang akong nagugulat, bwisit.
"Hello everyone. How's your first dinner inside my mansion? Did you enjoyed it? Just to remind all of you, it's already 8 pm. The note on your ipads is already in there. It's your choice if you want to check it now or not. Nasasainyo 'yan. Pwede na'man. Pero, pag nalaman n'yo na kung anong role n'yo, you're not allowed to do something if you are an impostor hanggat hindi pa nagsisimula ang 9 pm. At isa pa sa paalala ko sa inyo. There are a lot of cctv cameras inside the mansion. I have my own office here bukod pa 'yon sa security room. I monitor all of you except sa bathrooms at sa sarili n'yong mga kwarto. So don't do something naughty because I will know it right away. Don't dare mess with me if you don't want to dig your own graves in an early time." panimula n'ya.
Ramdam ko sa likod ng speaker na 'yon ang nakakapanindig balahibo n'yang ngisi. Nanlamig 'yung batok ko nang maisip 'yon.
We already dig our own graves the moment we step our foot on this mansion.
"Even though nagsimula na ang laro, you all have to act inside this mansion as if this is your own house. Cook meals, watch television, spend time on the living area, sleep in your rooms, etc. But, be carefu and cautious on your surroundings. I have a strict rule. TALKING TO EACH OTHER IS STRICTLY PROHIBITED. This can help you not to get involve with one another, not to build and have a connection with each other para hindi kayo mahirapan sa pag survive sa larong 'to." he said that with a deep tone. Tonong nagbabawal, nagbababala, nananakot.
Wow, concern pa s'ya sa'min sa lagay na 'yon ah? Talagang pinapaalalahanan pa kami na wag maging involve sa isa't isa para maka-survive sa pesteng larong 'to.
Pero sabagay, he has a point. In order for this game to be less difficult to us, we need to avoid each other. Avoid having connection so it's easier for us if ever na may mamatay.
Pero sa case ko, I think this is so difficult for me. I have a connection with someone among the participants and he's my brother. My twin to be exact. Ang hirap hirap.
"Act naturally and non-suspiciously kung ayaw n'yong maging choice sa voting ng impostor. So.. goodluck. That's all." pagtatapos n'ya at nawala na 'yung boses n'ya sa speaker.
Napalingon ako nang magsitayuan ang ilan sa mga kasama na'min dito sa dining area.
"We'll go check our ipads." maarteng pagpapaalam ni Carla at sumunod sa kan'ya si Riley.
Ano kayo 2 little monkeys? Joke only HAHAHA lol.
Binaling ko 'yung tingin ko sa gilid ko, kay kuya nang tumayo din s'ya sa kinauupuan n'ya.
"Tignan ko lang 'yung akin. Ikaw kung gusto mong tignan 'yung 'iyo ikaw bahala. Ingat ka sa hagdan baka madaa ka, lampa at tatanga tanga ka pa na'man." sabi ni kuya bago naglakad palayo sa akin at palabas ng hapag kainan.
"H-hoy! Hiyang hiya na'man ako sa'yo! Ikaw 'di ka nga lampa pero mukha ka na'mang katawang lupa! Hindi mo na kailangan madapa, sirang sira na mukha mo!" sigaw ko sa kan'ya. Itinaas lang ni kuya yung middle finger n'ya bilang response sa akin at lumabas na ng tuluyan.
Napaka epal talaga! Kambal ko ba talaga 'yon? Mas mukha ko s'yang alipin.
Nagsisunuran na rin yung iba nang lumabas si kuya. Kaming dalawa nalang ni Lili ang natirang nakaupo dito sa dining area.
Ililigpit ko na sana 'yung pinagkainan na'min nang magsalita s'ya.
"We're not allowed to do that. May mga house maids dito na in charge sa paglilinis at pagliligpit. They are also the ones who are in charge to dispose off the body of those people who will die in this whole game." She said and smiled at me. Mukha talaga s'yang anghel.
Pamilyar talaga 'yung mukha n'ya. Sino ba 'tong babaeng 'to? Saan ko ba 'sya nakita?
"Ah, ganun ba hehe. Sige ah, punta na rin ako sa room ko. Tignan ko na rin yung role ko sa ipad hehe. Bye." naiilang kong sabi at dali daling tumayo para makalabas doon at pumunta sa kwarto ko.
I don't know why pero hindi ko ramdam makipag usap sa kan'ya in that way.
"Aiko, be careful okay? Gaya ng sabi ng game master, don't get involve with anyone sa larong 'to. You have to avoid it. I know na meron ng isang tao na may connection sa'yo dito. Buti s'ya na lang, kuya mo nalang. Wala ng iba, okay?" bigla n'yang sabi na naging dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
Lumingon ako sa direksyon n'ya at nakita kong nakangiti s'yang nakatingin sa'kin.
Tumango na lang ako at tinuloy na ang pag labas sa dining area na 'yon.
Napasandal ako sa pader nang makalabas ako do'n. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong lumakas yung t***k ng puso ko.
What is the meaning of this?
Wag mo sabihing nagka-gan'to ako dahil sa sinabi ng Lili na 'yon. Hindi ako tomboy ah.
I don't know why pero nagsimula akong makaramdam ng matinding lungkot after marinig sa kan'ya yung mga salitang 'yon.
What does she mean by that? Hindi na'man sa tumututol ako or ayaw ko pero bakit n'ya sinabi 'yon na parang nag aalala s'ya at concern s'ya para sa akin? Why is that?
Hindi ba s'ya na mismo ang nagsabi na wag maging involve sa kung sino sa isa sa mga participants ng larong 'to? So why did she said that as if she cares about me?
Inalog ko 'yung ulo ko, kung ano ano nanaman iniisip ko. Nakakaloka na.
Maybe, gumaan 'yung loob n'ya sa'kin nung nakausap ko s'ya sa labas ng conference room?
"Aish! Ewan! Ang gulo gulo! Nakakalito! Nakakabuang! Nakakaurat!"
"Kung may ibang makakakita sa'yo dito tapos makakarinig sa sinasabi mo na parang kinakausap mo sarili mo, iisipin nun baliw ka." napalingon ako bigla sa harap ko nang marinig 'yung boses na 'yon.
Si Dark!
"P-pakealam mo ba ha?! Gagawin ko lahat ng gusto ko kahit makipagusap o makipag-away pa sa sarili ko at wala ka na do'n!" singhal ko sa kan'ya. I can feel my ears burning.
"Okay." sabi n'ya at naglakad na paakyat sa pathway nila.
Sisitahin n'ya ko dahil sa kinakausap ko sarili ko at kung ano ano pa tapos ang sagot n'ya lang pag nagsalita ako ay "Okay?"?!
That walking espasol! Hindi n'ya ba alam ga'no kapula 'yung pisngi at tenga ko ngayon sa pagkapahiya tapos sasagot n'ya OKAY?!
"Argh! Damn you!"