AIKO'S POV "He'll be inside that thing probably for about a year or more." nanikip ang dibdib ko nang biglang sabihin ni Maximus 'yon. Bumaba na sila Kuya Aki kasama ang iba pa. Hindi ko nga lang alam kung anong gagawin nila. Naiwan lang kami ni Maximus dito sa room kung nasaan si Pierce. Napayuko ako. Gaya nga ng sabi ko, kahit gaano pa katagal aantayin ko s'ya. "I will wait." sabi ko na'man sa kan'ya. Hindi ko maitatanggi ang lungkot sa boses ko nang sabihin ko 'yon. Naramdaman ko s'yang naglakad sa likuran ko kaya binalingan ko s'ya at sinundan ng tingin. "I won't regret the thing I did five years ago back at the mansion. Without that, you won't be able to know each other. Althought, I know that what I did is unforgiveable." rinig kong sabi n'ya habang naglalakad lakad sa buong

