Prologue

1048 Words
"Pag hindi pa kayo nakabayad ng upa n'yo sa bahay ngayong linggong 'to palalayasin ko na kayo! Ilang buwan na kayong puro babayaran n'yo anong petsa na ngayon?! Puro kayo bukas bukas bukas!" napapikit ako sa ingay na dulot ng kabubulyaw ni tita nancy. Kailangan talaga sa bandang tenga ko sumigaw? Buti sana kung maganda yung boses, eh yung kanya kala mo tigreng may sinok. "Ano?! Nakikinig ba kayong mga bata kayo?! Ang sabi ko pag di pa kayo nakabayad sa linggong to ihahagis ko na mga gamit n'yo sa kalsada!" sigaw n'ya pa. "Opo opo tita mag babayad kame. Intay lang po kayo. Wala ho kasi akong trabaho dahil sa pandemya ngayon. Babayaran po namin kayo wag kayong mag alala." napalingon ako kay Aki nang magsalita s'ya. Pinandilatan ko s'ya ng mata. "Paano tayo makakabayad kung kapos na kapos nga tayo sa pera ha? Napaka mo talaga pakurot nga isa lang nanggigigil ako sayo." pabulong kong asik sa kan'ya. Kahit kailan talaga! "Basta, ako na bahala don. Makisakay ka nalang Aiko, hindi titigil sa kakatalak yang gurang na yan pag di natin pinangakuan." bulong n'ya pabalik. Ako naman 'tong todo pigil sa pag tawa. Sabagay may point s'ya. "Rinding rindi na ko sa boses n'yang ulikba na yan kanina pa bunganga ng bunganga kala mo ang bango ng hininga." "HAHAHAHAHAHA." di ko na napigilan yung sarili ko at tumawa na ng tumawa. Kahit kailan talaga napaka laitero netong kambal ko. Hindi ko naman s'ya masisi. Totoo naman kasi mga sinasabi n'ya, lol. "At anong tinatawa tawa nyo'ng dalawa d'yan? Ako ba pinagtatawanan n'yo ha mga surot kayo! Gusto n'yo ngayon ko na kayo palayasin?!" napatigil ako sa pagtawa at napatakip sa tenga sa lakas ng boses ni tita. Nakalunok ba 'to ng megaphone? Mas mukha ka pang surot kesa sa'min. "Hindi tita ikaw naman. May kinwento lang sa'kin si Aki. Hindi yun tungkol sayo tita hehe peace." ngumiti ako ng pagkalaki laki at nag peace sign. "Siguraduhin n'yo lang. Oh sya, aalis na ako at baka madamay pa ako sa kamalasan n'yong dalawa, malugi pa negosyo ko. Che!" sabi n'ya at dinampot yung pamaypay n'ya sa lamesa at mukha pang diring diring madikit manlang yung daliri n'ya sabay labas ng bahay. Napaka arte galing lang namang divisoria mga gamit. "Attitude kala mo maganda." biglang sabi ni Aki pagkalabas na pagkalabas ni tita. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa. "Pero kuya, paano natin mababayaran 'yon? Eh wala ka ngang trabaho ngayon. Wala rin naman akong trabaho, yung ipon ko pambabayad ko ng tuition." malungkot kong sabi. Kaming dalawa na lang kasi ngayon nag susustento sa'min. Si mama namatay sa hospital nung pinapanganak kame ni kuya, si papa naman nacomatose. Nasa hospital pa rin s'ya ngayon at di pa nagigising. Naiwan kami sa tita ko, kay tita nancy. Kaya kuya si Aki, s'ya kase unang nilabas. Bale yun pinagbasihan ng gap namen pero kung tutuusin magka-edad lang talaga kame. Nauna lang s'yang inire. Kung tutuusin may pera naman sana kami kaso nung naaksidente si papa, naubos yung pera namin sa bill n'ya sa hospital. Hindi pa rin s'ya nagigising simula nung aksidente n'ya 2 yrs ago. Si tita? Nagbibigay naman s'ya ng pera, pero pag naglalaba lang ako sa kanila ng damit o di kaya'y pag pinaglilinis n'ya ako ng bahay nila. Yung bahay namin? Ayun kinuha ni tita. Dun s'ya ngayon nakatira kasama yung asawa n'yang lasinggero at yung mga anak n'yang mukhang mga pigsa na nuknukan ng arte. Inangkin 'yon ni tita nung nacomatose si papa. Tapos dito n'ya kami pinatira sa isa sa mga paupahan n'ya. Nung mga una libre pa, tapos nung nalaman n'yang may trabaho na si kuya saka n'ya pinabayaran na sa amin. Sugapa no? Ginipit n'ya kami nang ginipit to the point na namumulubi na kami sa kakahanap ng pera para sa gagastusin ni papa sa hospital at sa pang araw araw na kailangan namin. Si kuya, todo trabaho. Nag oovertime para lang sumapat kikitain n'ya. S'ya na din nag papaaral sa'kin. Kaso ngayon na may pandemic na naganap, nawalan ng trabaho si kuya. Kailangan daw mag bawas ng tao sa pinapasukan n'ya kase wala ng pampasahod. Ang saya, hindi ba? "Hindi ko din alam aiko. Siguro gagaya na lang ako sa'yo na tumatanggap ng labahin sa mga kapitbahay natin." sagot n'ya. "Kuya tumigil kaya muna ako sa pag aaral? Yung ipon ko ipambayad nalang natin kay tita?" suhestiyon ko. Tumingin sa'kin si kuya ng masama. "Tigil tigilan mo 'ko sa ganyan babatukan talaga kita." humakbang s'ya sa'kin palapit at aktong babatukan nga ako nang biglang nakarinig kami ng katok. Tok tok tok! Sino naman kaya yun? Si tita nanaman ba? Hindi pa tapos mag bunganga? Sasapakan ko na talaga ng papel yung bibig n'ya. "Sino po yan?" sigaw ko. Walang sumagot. Nagkatinginan kami ni kuya. Patayo na sana ako nang pigilan ako ni kuya. "Ako na, d'yan ka nalang. Baka masamang tao 'yan." Tumayo s'ya at naglakad papunta sa pinto. Dinungaw ko yung pinto nang buksan na ni aki. Walang tao? Nakita kong lumingon lingon si aki sa bawat gilid n'ya bago tumingin sa baba. Yumuko s'ya at may dinampot. "Hoy kupal, ano 'yan?" sigaw ko. Sinara na ni kuya yung pinto at naglakad pabalik sa'kin. "Aray!" napahimas ako sa ulo ko. Binatukan ba naman ako. Sipain kita palabas ng pinto. "Makakupal ka ah. Btw, eto. May nag iwan n'yan sa labas ng pinto." inabot n'ya sa'kin. Letter? Kulay puting letter. Wala namang nakasulat sa labas no'n. Kanino kaya galing 'yon? "Baka naman galing 'to sa isa sa mga babae mo. Narealize na ang panget mo pala tapos nag letter nalang para sabihin sa'yo." sabi ko sa kan'ya. Napatingin ako kay aki at kitang kita kong naiirita na s'ya sa mga pinagsasabi ko. Sabi ko nga mananahimik na. Tinignan ko ng maayos yung letter. Wala talagang nakasulat sa labas non. Binuksan ko 'yon ng dahan dahan at nilabas yung papel na nasa loob. "Akihiro and Aiko Carson, you are invited to a prestigious gathering. Go to the place on the address below. Your attendance will be rewarded worth, 1 million pesos. There's an additional if you participated on the event. Hope you accept our offer. Thank you.." Basa ko sa nakasulat. Napatulala ako don. 1 MILLION PESOS?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD