AKI'S POV Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan, para pa akong mauutot. Nandito lang kami sa loob ng isang warehouse na ilang metro lang ang layo sa mansyon na 'yon. Nakatanaw lang ako sa tanawin ng mansyon na 'yon. Kung saan nangyari ang lahat. Ang lugar kung saan maraming pagpatay ang naganap.. pati na rin ang nangyaring pagkamatay ni Pierce. "Sabi n'ya nandito na s'ya.." napalingon ako kay Ate Liz nang sabihin n'ya 'yon. Napuno ng pagtataka ang mukha ko. "Paanong nandito na s'ya? Ilang minuto na tayo dito pero wala pa tayong makita na kahit anong bakas na nandito na s'ya." sabi ko na'man sa kan'ya. Nagkibit balikat si Ate Liz at nakita kong nagtipa sa cellphone n'ya. Napaangat ang tingin n'ya sa likuran ko at nakita ko s'yang natigilan. Dahan dah

