Kabanata 36 Sa sobrang inis ay iniwan ko ang dalawa roon. Nasalubong ko pa ang bagong gising ng dalawa kung kaibigan. Mag aano na ring oras, meryenda na. Sakto ang gising ng dalawa. Tamang tama. "Bakit ganiyan ang mukha mo, deena?" Joe asked me when she notice me. Umismid ako sa Tanong niya. Paano ko nga ba sasabihin na umalis ako dahil sa sobrang inis ko roon sa dalawa habang natutulog pa sila? Umirap ako kapag kuwan. "Didiligan daw Siya ni Ren, mam...." Naputol agad Siya sa pagsasalita ng agaran akong sumagot sa kaniya. Masama ko siyang tinignan bago sumagot. Kahit kailan talaga ang bastos ng kaniyang bibig. "Shut up!" Gigil kung wika sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. Umaray naman ang bakla sa mahinang batok ko sa kaniya. "What's that for?" Tanong niya sa akin

